Makalimutan daw sana nina Zia at Sixto… DINGDONG, AMINADONG WALA NANG ORAS SA MGA ANAK SA SOBRANG BUSY

ni Rohn Romulo @Run Wild | November 7, 2025

Photo: IG _dongdantes
Kumpleto ang buong pamilya Dantes — ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sixto at iba pang kapamilya — para suportahan ang singing recital ni Zia Dantes.
For the second year, kasama uli si Zia sa Grand Annual Concert ng RMA Studio Academy na may title na Destination: The World Stage na ginanap sa Proscenium Theater, Makati City last November 5.
Pinalakpakan nang husto ang performance ni Zia sa You’ll Be In My Heart song, pati na ang trio production number nila nina Scarlet Belo (anak nina Vicki Belo at Hayden Kho) at Nat Yanson (Aliw award child performer), at sa bonggang solo number niya ng Rolling in the Deep ni Adele na ibinirit din niya.
Kaya naman tuwang-tuwa ang mag-asawa na muling mapapanood sa kanilang reunion movie na Remember, na showing na sa November 11, sa napakahusay na performance ng kanilang panganay na anak.
Matatandaan na may inamin ang Kapuso Primetime King sa pagbisita nila ni Marian sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 bilang bahagi ng promo ng kanilang movie na co-production ng Star Cinema, APT Entertainment, Agosto Dos Pictures at Regal Entertainment, mula sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar.
May panghihinayang si Dong dahil sobrang busy ang schedule niya nitong nagdaang taon hanggang ngayong 2026, na aabot pa raw hanggang 2027, kaya marami siyang nami-miss na special moments nina Zia at Sixto.
Sa task na ibinigay ni Big Brother kina Marian at Dingdong ay kausapin ang mga housemates kung ano ang araw na gusto nilang ma-remember at ma-forget.
Naunang nagbahagi ang mag-asawa. Natanong ang Kapuso Primetime Queen kung ano’ng araw sa buhay niya ang gusto niyang maalala.
“Ang araw para sa ‘kin na gusto kong maalala is ‘yung araw ng kasal namin ni Dong. Kasi dream ko talaga magkaroon ng isang pamilya.
“S’yempre, hindi n’yo pa ako kilala, galing kasi ako sa isang broken family. Lumaki akong walang magulang sa tabi ko.
“So, sabi ko, ‘yun ang pangarap ko na magkaroon ako ng isang buong pamilya na may anak. ‘Yun ang gusto kong ma-remember,” pahayag ni Marian.
“Kasi dahil sa kanya (Dingdong) nabuo ang pangarap ko kasi may dalawang anak na kami. So, ‘yun ang gusto ko na palaging maalala,” dagdag pa ni Yan.
Para kay Dingdong, ang nais naman niyang malimutan ay ang tungkol sa mga kaganapan habang lumalaki ang mga anak.
“Mine would be, kasi ‘yung kids namin, they are so into many activities, mayroon silang singing recital, sports events, etc.,” pag-amin ng actor-TV host.
“The day I want to forget, siguro it’s not me forgetting but parang I want them to forget that day, na sana ‘di na nag-exist ang day na ‘yun.
“Kasi ang daming moments na dahil busy ako sa work. Sa aming dalawa kasi, ako ang busy this year.
“So, ‘di ako maka-attend, wala ako sa special moments nila sa school, or in their activities.
“And I know that parang gusto nila na nandu’n kami pareho. So I want to forget those moments and hopefully hindi nila maalala ‘yun at maalala nila ‘yung greater reason why wala ako ru’n. ‘Ah, wala s’ya ru’n because he’s working for us, working for our family,’” seryosong pagbabahagi pa ni Dingdong.
Anyway, congrats din kay Jade Riccio sa fabulous performance niya sa recital concert. Kilala siya bilang soprano at celebrity vocal coach/producer na may-ari ng RMA Studio Academy.





Comments