Sa edad 22… AJ, NAG-GRADUATE NA SA HIGH SCHOOL
- BULGAR
- Jul 24, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 24, 2023

Isang nakaka-inspire na kuwento ang ibinahagi ng sexy star na si AJ Raval sa social media bago sumapit ang Sabado at Linggo, at ito nga ay ang pagtatapos niya ng high school sa edad 22.
Proud na ishinare ni AJ ang bagong milestone na ito sa personal niyang buhay sa kanyang Instagram account.
Ipinost ng sexy star ang dalawang pictures niya kung saan makikita na nakasuot siya ng white cap and gown (toga) bilang simbolo ng pagtatapos.
Nagtapos si AJ via Alternative Learning System (ALS) program sa Pampanga.
Caption ni AJ sa naturang post: “Congratulations po sa ating lahat, ALS Learners.
“Sa aking guro na si Sir Jay Gopez, maraming salamat po sa pagtitiyaga sa amin hanggang dulo.
“Maraming salamat po sa inyong adbokasiya at mabuhay po kayo.”
Ang ALS ay isang opsiyon na ibinibigay ng gobyerno sa mga mag-aaral na hindi kayang magkaroon ng pormal na edukasyon sa mga paaralan.
After graduation, sasabak ulit si AJ sa pag-arte. At base na rin sa mga lumabas na ulat, makakasama niya ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica sa susunod na proyekto under Viva Films.





Comments