Sa Dec. 21 gaganapin… MMFF PARADE OF STARS, MULA ROTONDA HANGGANG QC CIRCLE
ni Nitz Miralles - @Bida | December 16, 2022

Inilatag ni MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF Over-all Chairman Atty. Romando Artes ang route na tatakbuhin ng 2022 Metro Manila Film Festival Parade of Stars na gaganapin sa December 21 at magsisimula sa Mabuhay Rotonda at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.
Aabot sa 7.36 kilometers ang tatakbuhin ng parada ng eight official entries sa 2022 MMFF.
In-assure ni Atty. Artes at pamunuan ng MMDA at in-charge sa Parade of Stars na magpa-participate ang cast ng eight movies na entry sa 2022 MMFF.
Sa mediacon lang namin nalamang nasa States si Nadine Lustre, pero babalik daw before Dec. 21 para makasali sa parade.
Isa pang in-assure ni Atty. Artes, hindi magko-cause ng traffic ang parada. “Tuluy-tuloy ang parada, hindi titigil sa mga stop light at pipilitin na mabawasan o hindi maging cause ng traffic.

May 700 personnel ang MMDA to supervise the parade and traffic. May 1,400 personnel naman ang Quezon City to be deployed,” pahayag ni Atty. Artes.
Dahil ang Quezon City ang host city ng 2022 MMFF, sila ang punong-abala and they will make sure na maging maayos ang parada, ang opening ng mga sinehan sa Dec. 25, at ang awards night na gaganapin sa New Frontier Theater sa Dec. 27.
Tulung-tulong naman ang mga producers at cast ng eight movie entries na hikayatin ang moviegoers na bumalik sa panonood ng sine sa mga sinehan. Ang tema nga ng 48th MMFF ay "#BalikSaya.”
Kung kaya rin lang, panoorin na ang eight entries sa MMFF: ang Deleter ng Viva Communications, Inc.; Family Matters ng CineKo Productions, Inc.; Mamasapano by Borracho Film Production; My Father, Myself by 3:16 Media Network and Mentorque Productions; Partners in Crime by ABS-CBN Film Productions; Labyu with an Accent by ABS-CBN Film Productions; My Teacher by TEN17P Productions; and Nanahimik ang Gabi by Rein Entertainment Productions.





Comments