Sa dami ng seremonyas… HEART, KULANG ANG 5 MINUTES PARA MALIGO SA BAHAY NI KUYA
- BULGAR

- Jun 9, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 9, 2025
Photo: Heart Evangelista - IG Story
May mga nagre-react sa pagpasok ni Heart Evangelista sa Bahay ni Kuya (BNK) bilang bagong houseguest. Masaya at natutuwa ang mga fans ni Heart na mapanood siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kahit ilang araw lang at hindi na lang daw nila ito mapapanood sa reels video sa Instagram (IG) nito.
Makakapag-share na raw si Heart ng fashion and beauty tips sa female housemates, lalo na kina Charlie Fleming at AZ Mendoza na parehong girl crush siya.
Mawi-witness naman daw ng male housemates kung bakit fashion icon ang misis ni Senate President Chiz Escudero.
Samantala, may mga worried naman kung paano masusunod ni Heart ang bathroom rule sa Bahay ni Kuya na hanggang 5 minutes lang ang shower. Ang dami raw seremonyas ni Heart before and after shower at kulang ang five minutes sa kanya.
May netizens na inaalala naman ang food sa BNK dahil limitado at diet yata si Heart. Saka, mas marami raw sitsirya na hindi yata nito kinakain. Mas marami ang curious kung paano magsu-survive si Heart.
May mga nag-akala namang diversion tactic ang pagpasok ni Heart sa BNK dahil sa isyu kay Senate President Chiz, bagay na mabilis inalmahan ng fans ng aktres-model dahil wala raw itong kinalaman sa pulitika.
Whatever the reason sa pagpasok ni Heart Evangelista sa BNK, hindi maikakailang pasabog ito at marami ang manonood — fans man o bashers niya o ng asawa niyang si SP Chiz Escudero.
May disclaimer si Dingdong Dantes na, “Ito ay hindi isang reaksiyon, ito ay isang tugon.”
Tungkol ito sa proposed Senate Bill 2805 expanding the mandate of the MTRCB na maglabas ng guidance at classification pati sa digital platforms.
Si Senator Robin Padilla ang nasa likod ng isinusulong na batas at sa statement nito, nilinaw niyang hindi tungkol sa pagbabawal ang batas, kundi tungkol sa pag-aalaga.
Kabilang nga sa nag-react ang grupong AKTOR na pinamumunuan ni Dingdong at nanawagan sila na itigil muna ang pagpapatupad sa Senate Bill 2805 at bigyan ng panahon na magkaroon ng dialogue between the legislators at mga taga-industriya.
Sa nag-comment na si Robin ang dapat na unang kinausap ni Dingdong at ng AKTOR, sagot ng mister ni Marian Rivera, “Kausap po namin ang kanyang opisina at bukas naman s’ya sa isang dialogo. Nauunawaan ko ang kanyang mandating na protektahan ang publiko, ngunit ang nais ng mga komunidad ay balikan muna ang panukala—dahil may ilang delikadong probisyon ito na maaaring makahadlang sa freedom of expression na ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon.”
Sinagot ni Dingdong ang tanong at comment ng mga netizens, gaya ng kung gusto talaga ni Robin na maprotektahan ang viewing public, dapat mawala muna siya sa Senado at sa eksena.
Sagot ni Dingdong, “I think Senator Robin’s intentions are grounded in the sole mission of protecting the general public, ay ‘yan naman talaga ay kasama sa kanyang mandato. But there are parts of the current bill that raise valid concerns, especially from the creative community.
“Nakatrabaho at nakasama namin s’ya sa Eddie Garcia Bill, na siyang isa sa mga lead proponents... I know he’s someone who listens and values collaboration. Kaya hopeful ako that he will take the industry’s concerns into account as we all try to find the right balance between protection and creative freedom.”
‘Di raw maka-level… BEA, NAGSE-CELLPHONE NA LANG SA HARAP NG PAMILYA NI VINCENT CO
HINDI namin maintindihan kung bakit pinoproblema ng ibang mga netizens ang magiging status ni Bea Alonzo kapag ikinasal na siya kay Vincent Co. Paano raw pakikibagayan ng aktres ang pamilya ni Vincent na traditional Chinese? Mag-aaral daw ba ng Chinese language si Bea para makasali sa usapan ng mga Co na sigurado raw, in Chinese kung mag-usap.
Pati ang pagpapalaki sa magiging mga anak nina Bea at Vincent, pinoproblema na ng mga netizens na for sure, bashers lang ni Bea.
Ang parents daw ni Vincent ang magpapalaki sa magiging mga anak nila dahil ito ang
praktis ng mga Chinese.
Very advanced mag-isip ang mga netizens at pati hindi problema, ginagawang problema.
Pati nga ‘yung photo na nagse-cellphone lang si Bea habang kaharap ang mom and siblings ni Vincent, binigyan ng ibang meaning. Baka raw masamain ng mom at sister ni Vincent ang ginawa ng aktres.
May nagsabi naman na feeling awkward daw si Bea dahil ‘di siya ka-level ng pamilya ng BF kaya ganu’n siya.
Samantala, majority ay masaya para kay Bea Alonzo. Nasa tamang tao na raw ito at wish nilang endgame na sila ni Vincent Co. Ang marriage proposal at wedding na lang ang hinihintay nila.










Comments