Sa camera lang sweet, magkaaway pala… KRIS, NA-IN LOVE PERO 'DI UMUBRA KAY ALJUR
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 23, 2023

Unang tanong agad ni Boy Abunda kay Kris Bernal sa Fast Talk with Boy Abunda ay kung naging sila ba ng dating ka-love team na si Aljur Abrenica.
Mabilis namang sagot ng Kapuso actress, "'Yun, hindi talaga. Love team lang talaga kami."
When asked kung hindi ba nagparamdam ang aktor, sey ni Kris, "Nagparamdam nang ‘onti, pero hindi nag-work as real couple talaga, eh. Talagang as a love team lang."
Inamin din niyang may mga pagkakataon nga raw na hindi sila magkasundo noon ni Aljur.
"I guess feel ko naramdaman niya na rin that time na parang hindi ako interested. At saka, may times na hindi kami nagkakasundo, eh. Sa totoo lang, may times na magkaaway kami pero kailangan as a love team, sweet-sweet-an kami," natatawa niyang sabi.
Sa Fast Talk segment naman ay natanong si Kris kung friends pa rin sila ni Aljur.
“Half,” natatawang sagot ng aktres. "Hindi niya ako nire-reply-an, Tito Boy, eh. Ilang beses ko na siyang niyaya sa vlog ko, hindi niya ako nire-reply-an."
Anyway, nasabi ni Kris sa kanyang vlog na na-in love naman siya noon kay Aljur pero may girlfriend daw ito that time.
Samantala, as we all know ay kasalukuyang preggy si Kris sa first baby nila ng asawang si Perry Choi.





Comments