top of page

Sa botong 284-8-42... Impeachment kay PBBM, patay na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 57 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | February 11, 2026



Bongbong Marcos

Photo: PBBM



Tuluyan nang ibinasura ng House of Representatives ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa insufficiency in substance.


Sa botohan, 284 ang pabor sa pagbasura, walo ang tutol at apat ang nag-abstain, pinagtibay ng mababang kapulungan ang House Resolution 746 at ang naging findings sa Committee Report 111 sa pagbasura sa mga reklamong isinampa ni Andre de Jesus at ng Makabayan bloc.


Una nang idineklara ng House Justice Committee na ang mga reklamo ay “insufficient in substance” o kulang sa matibay na batayan.


“The impeachment complaints against President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. are hereby dismissed,” pahayag ni House Deputy Speaker Janette Garin habang nasa plenary session.


Matatandaang ipinasa ng House Justice Committee sa plenaryo ang committee report noong Martes, isang araw matapos itong aprubahan, dahil itinuturing insufficient in substance.


Samantala, nasiyahan ang Pangulo sa naging desisyon ng Kamara na ibasura ang dalawang impeachment complaint laban sa kanya, na sinuportahan ng 284 kongresista.

"Nasisiyahan po ang Pangulo sa naganap na proseso sa House of Representatives. Natutuwa po ang Pangulo na 284 na miyembro ng House of Representatives ang naniniwala sa katotohanan at nagpasyang ibasura ang impeachment complaints laban sa kanya,” wika ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page