top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Sa botong 257 sa Kamara... VP Sara, in-impeach uli 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 12, 2026



Inday Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte - FB



In-impeach sa ikalawang pagkakataon si Vice President Sara Duterte matapos aprubahan ng mga mambabatas ng House of Representatives ang committee report na naglalaman ng articles of impeachment laban sa kanya kahapon.


Sa plenary session, inisponsoran ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, chairperson ng House Committee on Justice, ang Committee Report No. 261 na ipinamahagi sa mga mambabatas noong Miyerkules.


Sa inanunsyong correction ang Kamara sa resulta ng impeachment vote laban kay VP Sara, nasa 257 ang bumotong pabor, 25 ang tutol, at siyam ang nag-abstain.


Nagsimula ang impeachment proceedings laban kay Duterte noong Pebrero 23 nang i-refer sa House Committee on Justice ang apat na reklamong inihain laban sa kanya.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo ang Makabayan Coalition, Tindig Pilipinas, grupo ng mga pari at abogado, at abogado na si Nathaniel Cabrera.


Inendorso naman ng ilang mambabatas ang mga reklamo kabilang sina Antonio Tinio, Sarah Elago, Renee Co, Leila de Lima, Percival Cendaña, Paolo Ortega V at Bienvenido Abante.


Noong Marso 2, sinimulan ng komite ang pagdinig upang talakayin kung sapat sa porma o “sufficient in form” ang nilalaman ng mga reklamo.


Kalaunan, isinantabi ng komite ang reklamo ng Makabayan Coalition habang binawi naman ng Tindig Pilipinas ang kanilang petisyon upang maiwasan umano ang legal na komplikasyon kaugnay ng petsa ng paghahain.


Ayon sa ilang legal experts, dahil unang na-impeach si Duterte noong Pebrero 5, 2025, maaari lamang muling magsampa ng panibagong impeachment complaint laban sa kanya pagsapit ng Pebrero 6,


2026, alinsunod sa Article XI, Section 3(5) ng 1987 Constitution na nagsasaad na hindi maaaring sampahan ng impeachment proceedings ang parehong opisyal nang higit sa isang beses sa loob ng isang taon.


Noong Marso 4, idineklara ng komite na “sufficient in form” ang dalawang natitirang reklamo kaya’t pinadalhan ng pormal na abiso si Duterte upang sagutin ang mga alegasyon.


Noong Marso 16, 2026, naghain naman ang kampo ni Duterte ng consolidated answer ad cautelam bago ang itinakdang deadline, ngunit itinuring ito ng mga complainant bilang isang “non-answer.”



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page