top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa bibig na raw humihinga… IVANA, MADIR AT KUYA, PARE-PAREHONG MAY COVID

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 17, 2022




Ang bagsik talaga ng Omicron dahil pati ang mga napakaiingat na tao ay tinamaan at isa na rito si Ivana Alawi.


Ikinuwento ni Ivana sa kanyang latest vlog ang journey nila ng kanyang pamilya sa COVID-19 kung saan ay tatlo silang nagpositibo – siya, ang mommy niyang si Fatima Marbella at ang kanyang kuya na si Hash.


Sa simula ng vlog ay makikita si Ivana na walang make-up and mukhang hindi talaga okay.


Naka-isolate siyang mag-isa, gayundin ang kanyang mom and brother.


Kuwento ni Ivana, sobrang napakaingat niya at talagang sinusunod ang lahat ng health protocols.


Hindi rin daw siya naglalalabas dahil natatakot din siyang makasagap ng virus.


“Two years, guys. Ever since lumabas ‘yung virus na ‘to, sobrang maingat ako, lagi akong nag-a-isolate kapag lumalabas, kapag may trabaho. Sa dami-dami kong swab tests, minsan 3x a day dahil sa trabaho ko sa mga shoots, laging negative,” she said.


“So, ‘etong 2022, first time kong nag-positive sa buhay ko. Nagulat ako kasi feeling ko, sobrang maingat, naka-vaccine na kami, hindi ako lumalabas ng bahay. Kunwari, may kailangan ako sa mall, ang pumupunta ru’n, ‘yung driver namin.


“‘Di talaga. Simula nu’ng New Year, kahit nu’ng (Dec.) 31, hindi ako lumabas, natulog lang ako,” kuwento pa ni Ivana.


Kahit nga raw ang mga kaibigan niya ay gumigimik parati, talagang hindi niya ginagawa kahit inggit na inggit siya.


“So, talagang tinry (try) kong iwasan (ang COVID) pero hindi ko naiwasan. Wala namang dapat i-blame,” aniya.


Ang una raw nagpositibo sa pamilya ay ang kanyang ina. Nakaranas daw ito ng sintomas at nahirapang huminga. Nag-isolate na raw ito agad sa isa nilang bahay kahit hindi pa man lumalabas ang resulta ng test.


Matapos ang ilang araw ay sila naman ng kanyang Kuya Hash ang nagpositibo sa test. Sobra ang pasasalamat ni Ivana na negative ang younger sister niyang si Mona, gayundin ang ate niyang si Amira.


“Nu’ng nag-positive ako, okay lang, okay lang ako, eh. Sabi ko nga, nag-pray ako nu’n kay Lord, sabi ko, ‘Lord, kung bibigyan mo kami ng COVID, okay lang na ako na lang, huwag na lang si Mona.’ Huwag na lang talaga si Mona kasi hindi na niya kaya, ang dami na niyang sakit,” emosyonal na sabi ni Ivana.


Noon pa naman ay inamin na rin ng pamilya Alawi that Mona has been suffering from Type 1 diabetes since 2011.


Nakaranas si Ivana ng shortness of breath at aniya, pakiramdam daw niya ay sa bibig na siya humihinga.


“Para akong nalulunod ‘pag natutulog. Kita n’yo nga, ngongo ako. Hirap na hirap akong huminga. Hindi ko alam kung saan ako hihinga. Para akong nasa swimming pool, sa ilalim, tapos, humihinga ako sa bibig ko,” she said.


Pinaalalahanan ni Ivana ang publiko na kapag nakaramdam na ng sintomas ay mag-isolate na agad para hindi na makahawa pa.


“You have to take responsibility and you have to take accountability so if you are exposed or if you are feeling not well, huwag ka nang lumabas at mag-antay ka ng mga five days, mag-isolate ka, tapos magpa-PCR ka kasi ang hirap talaga, guys. Ang hirap ‘pag ikaw or any of your family members or your loved ones get COVID,” she said.


Sa end ng video ay makikitang unti-unti na ring bumubuti ang kanilang kalagayan at patuloy pa rin silang naka-isolate.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page