Sa bahay pa raw niya nangyari… BEA, UMAMING SIYA ANG UNANG HUMALIK KAY DOMINIC
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 14, 2022

DAHIL Valentine’s Day, may pakilig sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang mga fans sa YouTube channel ng aktres.
Naglabas ng vlog si Bea na may titulong Finally! Sharing with you Our Love Story) kung saan ay ibinahagi nga nila ang kuwento ng kanilang pagmamahalan.
Ikinuwento nila kung kailan at paano sila nagkakilala hanggang sa naging magkaibigan at naging sila na. Pati ang first kiss nila ay ibinahagi nila.
Kuwento ng showbiz couple, ang first kiss nila ay naganap sa bahay ni Bea at aminado ang aktres na siya ang unang humalik kay Dom.
“Ganito kasi ang nangyari. Oo, kiniss ko siya. Inumaga kami, hinatid niya ako sa bahay. Ang sakit ng paa ko nu’n kasi nag-heels ako buong araw. Tapos, kinuha niya ‘yung paa ko, tapos minasahe niya ‘yung paa ko,” kuwento ni Bea.
“Tapos, basta nakatayo na kami nu’n, tapos kiniss ko siya,” patuloy niya.
Hindi raw agad gumanti ng kiss si Dom kaya akala raw niya ay nagkamali siya ng pag-kiss sa aktor. Umatras daw siya pero kiniss na raw siya ng totoong kiss ni Dom.
“Oo, ako ‘yung unang nag-kiss sa ‘yo. Happy?” sabi ni Bea kay Dominic.
Natatawang sagot naman ng aktor, “Bakit, wala naman akong sinasabi?”
Naibahagi rin nilang maraming beses silang nag-away habang nasa US sila last year. Ito rin kasi ‘yung time na bago pa lang ang relasyon nila at kinikilala pa ang ugali ng isa’t isa.
“Doon tayo nagtatantiyahan ng ugali,” sabi ni Dom.
“Tapos, grabe, ‘yung sa US tour namin, ang dami naming beses nag-away. As in marami kaming hindi pagkakaintindihan,” sey ni Bea.
Sabi pa ni Dom, “Nagsasagaran tayo sa US.”
Sagot naman ni Bea, “Du’n naman kita mas minahal after.”
Sumagot naman ulit si Dom, “Ako rin naman.”
Sa tanong kung ano ang kanilang Valentine plans, sabi ni Dom ay lalabas sila pero secret pa raw.
“Ah, may secret. Uy, mag-e-expect ako niyan,” sey ni Bea.
Sa huli ay inilarawan nila ang kanilang relasyon in 5 words.
“I hope it’s for keeps,” sabi ni Bea.
“I hope it’s forever,” sabi naman ni Dominic.
Nang ma-realize nilang 4 words lang ang sinabi ni Dom, ayaw nang papalitan ‘yun ni Bea.
“Hamo na, maganda na ‘yun! Charot!” hirit ng aktres.
And as expected, sa comment section ay ipinahayag ng mga fans ang sobrang kilig na naramdaman nila habang pinapanood ang vlog.





Comments