Sa b-day mismo ng mister… HEART, PIKTYUR NG BAG ANG NASA IG, DEDMA NA TALAGA KAY SEN. CHIZ
- BULGAR
- Oct 13, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 13, 2022

Maraming naghintay sa Instagram account ni Heart Evangelista ng pagbati nito para sa 53rd birthday ng estranged (?) husband na si Sen. Chiz Escudero last Oct. 10. But sad to say, walang nabasang post ni Heart para kay Sen. Chiz.
Ang naka-post umano sa IG ni Heart nu'ng araw na 'yun ay photos ng bags at some products na kanyang ipino-promote.
The fact na wala man lang birthday greetings mula kay Heart ay muling uminit ang isyung hiwalay na talaga ang mag-asawa, lalo na at nakabili na ng apartment sa Paris ang fashion icon at sinabi pa niyang she will be staying there indefinitely.





Comments