Sa ayaw o sa gusto ng mga eksperto… Bilang ng namamatay at nahahawa sa COVID, kusang bababa!
ni Ka Ambo - @Bistado | February 14, 2021
Pinipigil ng mga LGUs ang pagpapaluwag ng lockdown.
Kapag nag-normal, hindi na sila makapangdambong sa emergency fund!
◘◘◘
NATUKLASAN na makatagal nang nagmu-multiple mutation ang COVID.
Pero, walang ulat na mas lumaki ang mortality rate!
◘◘◘
AYON sa obserbasyon ng ordinaryong tao, aktuwal na marami ang gumagaling kapag tinamaan ng COVID.
Dahil d’yan, hindi dapat sagkaan ang galaw ng mga mamamayan na malinaw nang paglabag sa Konstitusyon!
◘◘◘
DAHIL nilalabag ang karapatan ng tao na kumilos nang malaya—nagdusa ang ekonomiya.
Hindi ang COVID ang nagpabagsak sa ekonomiya ng buong daigdig, bagkus ay ang palpak na diskarte ng mga pulitikong pulpol!
◘◘◘
HINDI garantiya ang bakuna na maglalaho ang virus.
Siyempre.
Hindi ba’t hanggang ngayon ay may flu, may rabies, may polio, may zika, may chicken fox, may tigdas!
◘◘◘
ANG virus ay immortal—wala itong kamatayan
.
Kabalintunaan ito sa mikrobyo na napapatay ng anti-biotics!
◘◘◘
ANG pananakot ng mga eksperto na hindi maglalaho ang virus—ay simpleng sintido-kumon.
Pero, dapat sinasabi rin nila na “kusang naglalaho” rin ang virus sa pisikal na katawan ng indibidwal at maging sa espepikong teritoryo at mismong mga sintomas humihina matapos ang peak sa incubation period!
◘◘◘
IMBES na ipaliwanag ng mga awtoridad ang teknikal na aspekto o naturalesa ng COVID—pananakot ang ginawa sa pagbilang ng patay sa buong daigdig.
Aba’y bilangin mo ba naman ang mga tao na namamatay araw-araw sa buong daigdig at “markahan” mo ng COVID—siyempre lalampas ‘yan ng milyon.
◘◘◘
KAHIT walang COVID, marami ang namamatay sa lahat ng bansa at sa buong daigdig—pero hindi ito inihahayag sa media.
Pero nang manakot sila sa COVID—bara-barang binilang lahat ang patay!
◘◘◘
INUULIT ko, sa ayaw o sa gusto ng mga eksperto—kusang bababa ang bilang ng mga namamatay at nahahawa sa COVID.
Bago mag-Disyembre sa taong ito, 2021—hindi na aabot sa 1,000 o mas mababa pa ang magkaka-COVID.
Pero, kasabay ng paglalaho ng COVID—biglang daragsa ang mga COVID vaccines na halos mababalewala ang halaga sa “mata ng publiko”.
Isang malungkot na senaryo na dapat paghandaan ng mga awtoridad!
◘◘◘
SA Pilipinas na tradisyunal na kinokontrol ang merkado ng mga pusakal na ismagler na kakutsaba ang mga nasa pamahalaan—babaha ng mga COVID vaccine na hindi na matutukoy kung saan nagmula.
Ibig sabihin, ang smuggled vaccine ay tulad ng shabu, karne, gulay, prutas—ay mananatili sa ating lipunan.
Eh, ‘yun ngang gulay, iniismagel, heto pang bakuna na malaki ang demand?
◘◘◘
SA ating karanasan, kailan ba nasugpo ng gobyerno ang black market?
Kahit dolyar ay bina-black market simula nang itatag ang Republika ng Pilipinas.
Dapat nating tanggapin ang mapait na karanasang ito na hindi lang sa Pilipinas nagaganap, bagkus ay sa buong daigdig!





Comments