top of page

Sa ayaw at sa gusto mo, Marjorie… DENNIS, PUPUNTA PA RIN SA KASAL NI JULIA KAHIT 'DI INVITED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 31, 2023




Inamin ni Dennis Padilla na may tampo siya kay Gerald Anderson na boyfriend ng anak niyang si Julia Barretto. Sinabi ito ng komedyante sa kanyang panayam sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz.


Ayon kay Dennis, noon pa raw niya gustong makausap si Gerald pero hanggang ngayon ay hindi nakikipag-usap sa kanya ang binata.


“There was a time, si Andrew E., I think, nagkita sila sa event ni Gerald. Ang sabi ni Andrew E., ‘Gerald, kausapin mo naman si Tito Dennis mo, gusto ka lang namang makausap nu’n.’ Ang sabi ni Gerald, ‘Yes, Tito Andrew.’ Pero, hindi naganap,” kuwento ng tatay ni Julia.


One time naman daw ay nagkita si Gerald at ang kanyang kapatid na si Gene Padilla sa isang basketball game sa General Santos City. Kasama rin daw siya sa mga naglaro, pero sa naunang game siya kaya 'di sila nagkita ng BF ng anak.


Sinabihan daw ni Gene si Gerald na puntahan siya sa hotel para magkausap sila. Pero hindi rin daw ito ginawa ng BF ng kanyang anak.


“So, kung gusto talaga ako ni Gerald na kausapin, dapat kinausap na niya ‘ko. Eh, hanggang ngayon, hindi niya ako kinakausap, eh,” aniya.


Baka raw nagpapa-good shot si Gerald sa ina ni Julia na si Marjorie Barretto kaya ayaw siyang kausapin nito.


“Siguro, mas importante sa kanya na good shot siya kay Marjorie pero sa akin, kahit bad shot siya, okay lang sa kanya. ‘Yun ang pakiramdam ko,” he said.


“Kung ayaw niya akong kausapin, wala na akong magagawa. Ako, gusto ko siyang makausap, pero kung ayaw niya, ayoko na rin,” sabi pa ni Dennis.


Tinanong ni Ogie kung ano ba ang gusto nitong sabihin kay Gerald at ani Dennis, “Gusto ko lang sabihin sa kanya na 'Eto ang mga nangyari, uulitin ko lang sa ‘yo. Nu’ng nag-usap tayo, ‘eto ‘yun, ibabalik ko lang sa ‘yo.’ Gusto kong sabihin sa kanya, ‘Ipapaalala ko lang sa ‘yo na ‘yung girlfriend mo, anak ko ‘yan, hindi lang si Marjorie ang gumawa riyan.’”


Dagdag pa niya, “Baka natatakot siya kay Julia, saka kay Marjorie, baka ‘pag kinausap ako, magalit sa kanya ‘yung dalawa.”


Sey naman ni Ogie, ang pagkakaalam niya kay Gerald ay marespeto naman ito at baka lang daw nasabihan or baka umiiwas lang sa gulo.


Sagot naman ni Dennis, “Ikamamatay mo ba ‘yun ‘pag sinita ka ni Marjorie at sinita ka ni Julia? Ang ibig mong sabihin, ‘pag kinausap mo ‘ko, hihiwalayan ka ni Julia?”


Hindi na raw niya inaasahan na siya ang maghahatid kay Julia sa altar kapag ikinasal ito. Masakit daw ito sa kanya if ever, pero pupunta pa rin daw siya kahit pa hindi siya imbitahin at magdadala raw siya ng bulaklak para sa anak.


Pupunta raw siya kahit hindi siya imbitado simply because anak niya si Julia at gusto niyang makita ang anak sa kasal nito.


As we all know, matagal nang may hindi pagkakaintindihan sina Dennis at tatlong anak na sina Julia, Claudia and Leon. Hindi rin sila in good terms ng ina ng mga ito na si Marjorie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page