Sa Araw ng Kalayaan... Huwag magsamantala sa pinagpaguran ng iba — PBBM
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 13, 2026

Photo: Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang wreath-laying ceremony o ang pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni Dr. Gat Jose Rizal sa Luneta Park sa Maynila bilang bahagi ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan. (Jeff Tumbado)
“Sa bawat Pilipino, ito ang aking panawagan: Huwag po tayong mapagod na mahalin, piliin, at ipaglaban ang Pilipinas.”
Ito ang panawagan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino sa paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng bansa sa Luneta Park.
Binigyang-diin din niya na ang kapayapaan, soberanya, at kalayaang tinatamasa ng bansa ngayon ay bunga ng sakripisyo ng mga naunang henerasyon ng mga Pilipino.
“Palalimin natin ang ating kamalayan. Maging mapanuri sa katotohanan. Gamitin natin sa tama ang ating kakayahan, hindi sa masama. Lumaban nang patas sa araw-araw. Huwag pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba. At piliin natin ang ikabubuti ng bayan laban sa interes ng iilan.”
“Kung mananatili tayong tapat sa mga adkihaing ito, makatitiyak tayong magmamana ang mga susunod na henerasyon ng isang bansa na mas matatag, mas makatarungan, at mas maunlad,” pahayag pa ng Pangulo.





Comments