Sa anniv nila ni Cherry Pie.. NETIZEN KAY EDU: SANA LAST MO NA 'YAN, ANG TANDA MO NA!
- BULGAR
- Sep 13, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 13, 2022

Ang ganda ng wishes ng PieDu fans kina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa 1st anniversary ng beautiful couple na hindi sinabi kung kailan.
May nag-wish ng “Hangad ko po ang matagumpay ninyong pagmamahalan.”
“Kilig ako 'pag nakikita ko silang dalawa, happy anniversary,” sabi naman ng isa pa.
Naaliw naman kami sa nag-wish kina Edu at Cherry Pie na may kasama pang paalala kay Edu dahil ang sabi, “Sana, Edu, last mo na 'yan. Ang tanda mo na,” na kapag nabasa ni Edu, siguradong hindi mao-offend at sa halip, matatawa lang.
Anyway, maraming tinatalong couples sina Edu at Cherry Pie sa sobrang sweet at ma-PDA. Ang dami naming nakikitang photos na nili-lips-to-lips ni Edu si Cherry Pie na minsan, biglaan, kaya walang magawa si Cherry Pie kundi paluin si Edu.
Marami ang nag-aabang sa mga susunod na hakbang na gagawin nina Edu at Cherry Pie tungkol sa kanilang relasyon at kasama tayo ru'n.





Comments