Sa Amanpulo nag-prenup shoot… P5 MILYON ENGAGEMENT RING NI LUIS KAY JESSY

Julie Bonifacio - @Winner | December 13, 2020

Mabilis na nag-trending sa social media ang magkahiwalay na posts nina Luis Manzano at Jessy Mendiola tungkol sa kanilang engagement kahapon.
Pero nakaagaw agad ng atensiyon namin ang suot na singsing ni Jessy sa mga piktyur nila ni Luis. Pagkalaki-laki kasi ng bato sa engagement ring na suot ni Jessy.
Isang very reliable source naman ang nagkuwento sa amin na last year pa raw ipinagawa ni Luis ang engagement ring na 'yun. Ibig sabihin, nagpaplano na a year before pa si Luis para mag-propose kay Jessy.
At sabi pa ng source namin, aabot daw sa tumataginting na limang milyong piso ang halaga ng engagement ring na idinisenyo mula sa Manila Diamond Studio.
More or less, 3 to 4 carat daw at D color ang clarity nito. Nasa 18K white gold ang singsing with side diamonds na level D color din.
Ito na marahil ang pinakamahal na engagement ring na nabalitaan naming ibinigay ng isang celebrity sa kanyang girlfriend sa isang wedding proposal.
Nilinaw din ng aming source na ang mga piktyur nina Luis at Jessy na kumalat sa socmed at kuha sa Amanpulo ay for their prenup. At last October pa raw nag-propose si Luis kay Jessy.
Kung 'di kami nagkakamali, last month ay may naisulat kami tungkol sa singsing na ipinost ni Jessy sa kanyang Instagram account.
So, we thought engaged na sila at 'yun ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Luis. Pero agad ding nawala sa IG ni Jessy ang naturang piktyur.
So, true pala na engaged na sila. 'Yun nga lang, that was not the ring na ibinigay sa kanya ni Luis when he proposed to her.
So, kung may prenup na sina Luis at Jessy, malamang ay may date na rin ang kanilang wedding.
For sure, secret din muna kung kailan ang date ng kanilang kasal.





Comments