Sa 600 napiling rumampa, laglag… HEART, 'DI INVITED SA MET GALA SA NEW YORK
- BULGAR
- May 7, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 7, 2023

Ang bongga-bongga ng nakaraang Met Gala na ginanap noong May 1 sa New York.
Rumampa ang ilang sikat na Hollywood stars at iba pang sikat na personalidad.
Kakaiba ang fashion style na isinuot ng mga invited celebrities, agaw-pansin at talagang pinagkaguluhan.
Ang Met Gala ay itinuturing na "Oscars of the East Coast” at ito ang fashion’s biggest night of the year.
Ilan sa mga dumalo sa red carpet event ng MET GALA ay sina Rihanna, Dua Lipa, Karl Lagerfeld, Penelope Cruz, atbp.
Ang Vogue's fashion editor na si Anna Wintour ang namili sa 600 guests na inimbitahan sa Met Gala. Isa sa mga napasama sa taong ito ay ang isa sa mga miyembro ng BlackPink na si Jennie.
Well, madalas namang naiimbita si Heart Evangelista sa fashion events sa New York at Paris at marami siyang kaibigang sikat na fashion designers. Maaari na itong maging daan upang makilala ni Heart si Anna Wintour ng Vogue at siyang namamahala at may say sa mga imbitadong celebrities sa Met Gala.
Hindi lang mga sikat na artista, singers at athletes ang imbitado sa taunang Met Gala.
Maging ang ilang supermodels, politicians, businessmen, TikTokers ay puwede rin.
At 600 guests lang ang limit sa event sa mga invited guests. Kaya, malaking karangalan para sa sinuman ang mapasama sa Met Gala at magkaroon ng pagkakataon na rumampa sa red carpet.
Wish ng mga fans and supporters ni Heart Evangelista, makita siya sa susunod na Met Gala.





Comments