top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sa 5th anniv nila… RURU KAY BIANCA: I LOVE YOU ALWAYS AND FOREVER!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 20, 2023



Nag-post ng very sweet na message si Ruru Madrid para sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa 5th anniversary nilang dalawa. Ipinost din ni Ruru ang kanilang mga photos at may solo video pa ang GF na nasa yate habang sumasabay sa kanta.


Ang ganda ng naturang video na for sure, si Ruru ang kumuha.


Sabi ni Ruru, “To my soulmate, my best friend, and my Love, happy 5th anniversary.


“Thank you for loving me at my worst. Thank you for inspiring me to do my best. Thank you for making me a better human. Thank you for being in my life.


“I love you, Maria Isadora Bianca. Always and forever.”


Inaabangan naman ang anniversary greetings ni Bianca para kay Ruru na siguradong very sweet din.


Nabasa pala namin ang pangalan ng dad ni Ruru na si Bhong Madrid na bumati ng, “Happy anniversary” sa showbiz sweethearts. Marami ring kaibigan ng dalawa ang bumati sa anniversary nila.


Busy ngayon ang dalawa sa kani-kanyang mga projects at si Ruru nga, nagsimula nang mag-taping ng Black Rider kung saan special guest si Kylie Padilla na gaganap yata bilang kanyang asawa sa nasabing series.


Kaya namin ito nasabi dahil sa isang tila behind the scene photo ng dalawa na makikitang buntis si Kylie.


Speaking of Ruru, airing sa Indonesia ngayon ang Lolong na ang title ay Dakkila, ang pangalan ng friend niyang buwaya. Ipo-promote ng aktor ang naturang series via Instagram Live ng ANTVLovers channel with Indonesian host Bella Fawzi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page