Sa 5-star luxury hotel kumakain… SARAH AT MATTEO, TODO-ENJOY SA HONEYMOON SA EUROPE
- BULGAR

- Jul 16
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2025
Photo: Matteo at Sarah G - IG
Bakasyon-grande ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Europe recently. Nasa honeymoon mode pa rin ang mag-asawa after couple of years ng kanilang marriage.
Sa Instagram (IG) ay ipinost ni Matteo ang mga ganap nila ng kanyang wifey from the super first-class airplane up to their last dinner sa isang fancy resto sa London.
May pa-shower room at spa, first time raw nakasakay ni Matteo sa ganitong eroplano.
Pagkatapos ay nag-breakfast ang mag-asawa sa The Ritz, a five-star luxury hotel in London. Feeling namin, dito rin nag-check-in sina Sarah at Matteo.
Pagpasok ng resto ay kinanta pa ni Sarah ang isang linya sa hit song ng SB19, ang Dungka.
Tinugtog din ang fave song ni Sarah na My Heart Will Go On ni Celine Dion.
Parang halos pareho na ang igsi ng buhok nina Sarah at Megastar Sharon Cuneta. Bagay na bagay naman kay Sarah, na parang hindi rin tumatanda.
Mukhang panay ang ikot around the world nina Sarah at Matteo. Parang nasa honeymoon stage pa rin kahit matagal na silang mag-asawa.
Maybe this is their way na rin na ma-maintain ang sweetness nila. And at the same time, baka they are really trying na rin to make a baby kaya panay ang bakasyon ng
mag-asawa.
Well, support kami d’yan 100%, basta sa happiness nina Sarah at Matteo.
Ang tagal na rin naman since they got married and up to now ay hindi pa sila nabe-bless ng baby.
OVERWHELMED ang new singers ng EBQ Music na sina Joanne at Keisha Luiz na mapasama sa concert na Gerald Santos Gives Back (GSGB) sa Music Museum last Friday.
Pahayag ni Joanne, “Uh, overwhelmed po. Kasi nakasama ko na ‘yung dating Pinoy Pop Superstar champion, si Gerald po. Dati po kasi sumasali lang po ako sa Pinoy Pop Superstar. Ngayon, kasama ko na po s’ya.”
Kinanta ng rock singer na si Joanne sa GSGB concert produced by EBQ Music Productions ang What About Love na pinasikat ng grupong Heart.
“Ever since rock na po talaga ang genre ko. (Nasa) Banda po kasi ako dati. ‘Yung boses ko po kasi, bagay sa rock. Pero nakakakanta rin po ako ng mga Whitney (Houston) and Celine (Dion), si Regine (Velasquez). Pero mostly po, full band ako,” paliwanag ni Joanne.
Maraming natutunan si Joanne sa pakikipag-collab kay Gerald sa concert.
“Ano po, number one po is discipline, sa group namin. Then, sa bosesan. Saka, tinuturuan din po kami. Saka may mga ibinibigay po s’ya na tips sa amin,” sey pa ni Joanne.
Natutunan din ni Joanne from Gerald kung paano i-conquer ang stage fright.
“Ano po, ‘yung itinuro po n’ya sa ‘kin, just face the wall. And you perform hanggang mawala ‘yung takot mo. Ibuga mo lahat. ‘Yan ang ibinigay n’yang tip sa aming lahat.
“Bilang bagong singer po, ‘yung mga natutunan namin na tips sa kanila, ‘yun po ang ina-apply namin ngayon. Mas nade-develop namin ang sarili namin,” pagre-reveal ni Joanne.
Samantala, natanong si Joanne kung ano ang opinyon niya sa sinabi ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na tapos na ang panahon niya at panahon na ng mga bagong singers.
Kontra ni Joanne, “Hindi pa po, eh (naniniwala kung tapos na panahon ni Regine). Kahit kailan po, kahit ano man po, mawawala man, eh, nakatatak na po ang pangalan n’ya.”
After Music Museum, wish ni Joanne na matuloy ang pinlano na concert ng EBQ Music nina Mr. Nick and Evie Quintua at SM Mall of Asia Arena (MOA).










Comments