Sa 38th birthday… SARAH, NAPATAWAD NA NI MOMMY DIVINE, HAPPY TOGETHER
- BULGAR

- 9 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 26, 2026

Photo: FB / Circulated
Bumaha ng pagbati kay Sarah Geronimo sa X (dating Twitter) kahapon. Sa dami ng Popsters, hindi na kataka-taka.
Sarah just turned 38 yesterday. Kering-keri pa niya ang magka-baby sa edad niya.
Pero nang silipin namin ang Instagram (IG) ng mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli, wala kaming nakitang sweet message para sa Popstar Royalty.
Although, ini-repost ni Matteo sa kanyang IG Story ang video ng recording ni Sarah kasama ang kanyang daddy na si Delfin Geronimo para sa bagong album ng singer.
A day before her birthday, nag-post si Sarah ng latest photo niya at nagbigay ng pa-clue para sa kanyang mga tagahanga.
Naaliw ang mga netizens sa new look ni Sarah sa picture. Hawig daw kasi ang buhok ni Sarah sa iconic hairstyle ng sikat na Hollywood celebrity na si Audrey Hepburn.
Sabi ni Sarah sa kanyang post, “Ang bagong simula ay paghakbang pabalik.”
Tama naman ang hula ng mga fans ni Sarah na may kinalaman sa kanta at pamilya ang latest post niya sa socmed sa pa-clue niyang ‘hakbang pabalik’.
Sey nila…
“This is going to be a stretch... It’s going to be a pregnancy announcement. Kaya rin ganu’n ‘yung profile picture. Inspired by family, new inspiration in building her own family.”
“As a delulu (delusional) myself, here's my theory: HOME where LOVE and STARS will align. - SARAH G. Ewan ko pero I feel it... she’s going back to what made her feel at home: MUSIC and her FAMILY. An album and an updated Family Photo Album, perhaps.”
“@JustSarahG Love you! So excited kung ano man 'yan!”
“Excited for this too. Imagine magko-concert na naman s’ya (heart emoji.”
Samantala, kagabi ay muling nag-post si Sarah sa Facebook ng mga video clips na kuha sa recording nila ng kanyang Daddy Delfin na may caption na: “This is a gift to myself, to everyone and my father. To celebrate him and our love for music.
“Watch our live performance video on my YouTube Channel.”
Sa isang part ng video ay nahagip ng camera si Mommy Divine Geronimo habang hinahalikan sa pisngi si Sarah.
Touching na makitang okay na uli at nagkabati na pala ang mag-ina, at sabi nga ni Sarah sa isang part ng video, “Sobra akong masayang-masaya dahil I got to do this with the dearest person in my life, siyempre ang tatay at nanay ko. Kasama ko ang tatay ko ngayon na sharing beautiful music, performing together is such a dream come true.”
No wonder, ibang-iba na ang mga ngiti ni Sarah at pati ang kanyang mga mata ay nagniningning!
Happy 38th birthday, Sarah Geronimo!
Nagsanib-puwersa muli sina Anne Curtis at Bea Alonzo sa isang proyekto.
This time, hindi aarte ang dalawang ‘queens’ sa harap ng kamera. Instead, rarampa sina Anne at Bea para sa isang malaking collaboration bilang endorsers.
Trending agad ang tsikang pagsasamang muli nina Anne at Bea. Ito ay malaking collaboration ng dalawa.
Nagsimula ang balita tungkol sa collaboration ng dalawang aktres noong kumalat ang isang video clip ng dalawang babae, pero walang mukha at katawan lang ang makikita.
Malakas ang hinala ng mga netizens na sina Anne at Bea ang nasa video clip.
Maaaring may kinalaman daw sa produktong ine-endorse at pag-aari ni Bea ang bagong collaboration nila ni Anne.
At the same time, may duda rin ang mga netizens na collaboration ito ng makeup product na ine-endorse ni Anne at bag naman kay Bea.
Matatandaang nakitang magkasama sina Bea at Anne sa isang restaurant. Nagkita ang dalawang aktres pagkatapos pumutok ang balitang naudlot ang kasal ni Bea kay Vincent Co.
Kahapon ay ini-reveal na ang mga babae sa video clip. Tama ang hinala ng mga netizens na sina Anne at Bea nga ‘yun.
Ka-vogue!

%20-%20VICE%2C%20BINUGAHAN%20NG%20TUBIG%20SA%20MUKHA%20ANG%20BABY%20DOLLS%20MEMBER%2C%20NA-BASH%2C%20T.jpg)



Comments