top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa 31 yrs. na magkarelasyon… GLADYS, SISING-SISI NA ‘DI NAGKAANAK AGAD KAY CHRISTOPHER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2024
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 30, 2024



Isa sa well-loved couples sa showbiz sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Kaya naman dinagsa ng mga kaibigan nila in and out of showbiz ang kanilang 20th wedding anniversary last Saturday.


Bago pa man ikinasal sina Gladys at Christopher noong January 23, 2004, eleven years nang magkarelasyon ang dalawa.


Sa loob ng 31 years, merong pagsisisi si Gladys na isiniwalat niya sa mga invited entertainment press sa double celebration ng mga Sommereux (real surname ni Christopher Roxas).


“Sana, mas maaga kaming nag-anak. ‘Yun pa ‘yung regrets namin kasi nakunan pa nga ako, ‘di ba, honeymoon baby namin,” pahayag ni Gladys.


Apat ang naging anak nina Gladys at Christopher. Panganay si Christoph na kasabay ng wedding anniversary ng parents niya ay nag-celebrate naman ng kanyang 18th birthday.


First year HRM student sa UP Diliman si Christoph and on the night ng kanyang birthday celebration ay isang malaking sorpresa ang tumambad sa kanya  pumirma siya ng exclusive contract para sa ABS-CBN Music!


Dahil sa mga anak kaya naisipan ni Gladys na muling bumalik sa eskuwela. This time, gusto niyang mag-aral sa kolehiyo at kumuha ng kursong Mass Communication.


Anyway, hindi binigo sina Gladys at Christopher ng kanilang mga kaibigan gaya nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ruru Madrid, Bianca Umali, Angelu de Leon, Patricia Javier, Amy Austria at marami pang iba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page