top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa 3 yrs., marami raw natutunan… SEN. ROBIN, PROUD NA GRADUATE SA KULUNGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 13, 2026



TALKIES - SEN. ROBIN, PROUD NA GRADUATE SA KULUNGAN-FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla sa kanyang social media account ang isang larawan niya na nakasuot ng toga na tila isang graduate na gawa sa Artificial Intelligence (AI). 


Sa larawan, makikita rin ang isang gusali na may nakasulat na ‘University of Prison’.


Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Robin, “Maraming salamat po sa gumawa nito. Alhamdulillah. Napakaganda po talaga. Ipaguhit ko po ito sa canvas. Ipinagmamalaki ko po talaga ang tatlong taon ko sa University of Prison.


“Dito sa lugar na ito ang tunay na unibersidad ng buhay. Dito pinag-aaralan kung paano magbayad sa kasalanan at matakot sa Diyos. Dito, kung nasaan ang mga tinalikuran ng pagkakataon ay normal na pinag-uusapan ang mga kaso ng bawat isa.


“Araw-gabi, umagahan, tanghalian, gabihan, gising o sa panaginip, paulit-ulit ang talakayan sa kani-kanilang kaso. Karamihan, biktima ng kahirapan at kawalan ng katarungan.


“Dito hubad at lantad ang tumatakbo sa pag-iisip at pagkatao ng lahat ng klase ng kriminal. Dito walang nakukubling pagkukunwari. Dito, ang lahat ng istilo ng kriminal ay napag-aaralan. Killer, snatcher, holdaper, akyat-bahay, pusher, pickpocket, gangster, corrupt na pulitiko, atbp.. Dito ang batas at butas nito ay may pangil at nagpaparusa.


“Ito ang unibersidad ng totoo at tunay na estado ng bansa at ng taong bayan. Dito sa lugar na ito nagpupunta ang mga mababa at mataas na paaralan, kasama na ang sikat na unibersidad, upang matuto sa buhay ng mga kriminal.


“Madali lang ang pumasok dito. Ang mahirap ay ang makalabas at mag-graduate... with honors o with death.”


Sa kabila ng pagiging simple ng mga salita ni Sen. Robin Padilla, malalim ang mensaheng nais niyang iparating. Ang pangunahing punto ng kanyang pahayag ay magsilbing paalala sa lahat na iwasan ang paggawa ng masama upang hindi humantong sa pagkakakulong o sa tinawag niyang ‘University of Prison’.





Inamin ng aktres na si Yayo Aguila sa panayam ng broadcast journalist na si Julius Babao sa kanyang YouTube (YT) channel na Unplugged na hindi niya pinagsisisihan ang maaga niyang pag-aasawa.


Sa kanilang pag-uusap, napag-usapan ang mga naging karanasan ni Yayo sa kanyang buhay-pag-ibig at ang desisyon niyang bumuo ng pamilya sa murang edad.

Ayon kay Yayo, ginusto niya mismo ang magkaroon ng sariling pamilya kahit bata pa siya.


“Kasi unang-una, ginusto ko ‘yun. Sixteen pa lang ako nu’n, kakatapos ko lang ng high school. Fourth year high school pa lang ako nu’n, pero ‘yung mindset ko, bago pa mag-4th year high school, gusto ko na talagang magkaroon ng pamilya. Gusto kong magkaroon ng mga anak more than asawa. Gusto ko ‘yung magluluto ako para sa mga anak ko, mag-aayos ng baon nila, ‘yung parang nasa storybook,” ani Yayo.


Ibinahagi rin ng aktres na hindi niya pinagsisihan ang mga naging desisyon niya dahil sa mga biyayang natanggap niya sa buhay.


“Nilabag ko lahat ‘yung mga pangarap ng lola’t lolo ko for me, ganu’n din ng mommy at daddy ko. So fast forward, ‘di ko pinagsisihan ang kahit ano kasi nagkaroon ako ng apat na mababait at mabubuting anak. Na-strengthen ko ‘yung faith ko. Marami akong natutunan, marami akong takeaways sa lahat ng ginawa ko,” saad niya.


Aminado si Yayo na maaaring hindi perpekto ang desisyon niyang mag-asawa nang maaga.


“Kahit maling desisyon ‘yung mag-asawa nang maaga, ‘di ako nagsisi. ‘Di ako nagsisi kasi ang buhay, ‘di naman perfect. Kahit gaano mo kagustong pagandahin ang buhay mo, somewhere along the way, sa kalye, may lubak. So, ‘di ako nagsisi,” dagdag niya.


Sa panayam, napag-usapan din nila ang tungkol sa mga anak ni Yayo sa dating asawa niyang aktor na si William Martinez.


Tinanong siya ni Julius, “Pero ngayon, okay na raw si William sa mga anak mo?”

Ayon kay Yayo, masaya siya dahil matapos ang apat na taong hindi sila nag-uusap, nagkaroon na ng pagkakaayos ang kanyang mga anak at si William.


“Yes. After 4 years na ‘di sila nag-uusap, masaya ako kasi nag-reconcile na sila. I mean, ‘di ko alam ‘yung complete details kasi ‘di ako nagtatanong sa mga anak ko,” saad ni Yayo.

Ibinahagi ng aktres na ang alam lamang niya ay nagkita ang kanyang mga anak at si William upang maglaan ng oras sa isa’t isa.


“Basta ang alam ko, they went out to lunch. Kumpleto silang mag-aama kasama ‘yung brother-in-law ko. Ang sabi lang nila, kumain sila sa labas, nag-mall. ‘Di ko na tinanong kasi kung magkukuwento ang mga anak ko, magkukuwento sila,” aniya.


Para kay Yayo, ang pinakamahalaga ay nagkaroon na ng pagkakaayos sa pagitan ng kanyang mga anak at ng kanilang ama.


“Para sa akin, ang importante lang, nag-uusap na sila. ‘Di naman closure, pero nagkaroon ng healing. Okay na ‘yun kasi at least, alam ko sa mga anak ko na maluwag na ang dibdib nila,” dagdag niya.

Korek ka riyan, Yayo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page