top of page

Sa 2NE1 reunion concert… KIKO: PINOY FANS, NABUBUDOL SA SOBRANG MAHAL NG TICKET

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 22, 2024



Photo: Kiko Pangilinan - 2NE1 IG


Napakahaba ng rant ni former Senator Kiko Pangilinan, mister ni Megastar Sharon Cuneta, para sa mga nagbebenta ng sobrang mahal na presyo ng tiket sa mga concerts.


Sa umpisa ng rant ni Kiko, tinukoy niya ang mga scalpers sa nalalapit na reunion concert ng K-Pop girl group na 2NE1 kung saan kabilang dito si Sandara Park na binansagang “Pambansang Krung-Krung” ng Pilipinas, matapos manalo sa isang talent search ng ABS-CBN noon.


Mensahe ni Kiko sa X (dating Twitter), “Nanawagan tayo na imbestigahan ang mga scalper sa nalalapit na concert ng K-Pop girl group na 2NE1.


“Maraming Pinoy concert-goers ang binubudol ng mga scalpers at itong darating na concert ng 2NE1 nga ay binubudol na naman ang ating mga kababayan. 


“At dahil digital na rin ang pagbili ng tickets, kailangan na ring imbestigahan pati ang mga bot scalpers.”


Dahil dito, nag-suggest daw si Kiko na magpasa ng isang batas na magpaparusa sa scalping.


Aniya, “Ang ating iminumungkahing batas ay lilikha ng isang mas patas at mas bukas na merkado. Sa ganitong paraan, mapoprotektahan ang mga mamimili mula sa pagsasamantala. Maiiwasan din ang pagbaluktot sa merkado na dulot ng reselling na ginagawa sa scalping.”


Kasama rin daw sa batas na iminungkahi niya ang mga alituntunin sa paggamit ng BOT (Better Online Ticket) sa pagbili ng mga tiket nang maramihan, kung saan naaagrabyado ang mga ordinaryong mamimili.


Ang ticket bots ay sophisticated software programs na nilikha para sa mabilis na pagbili ng large quantities ng tickets once available na sa market. Tinatawag din as scalper bots ang ticket bots.


Pagpapatuloy ni Kiko, “Panloloko ang scalping, Pipila ka nang mahaba o maghihintay ka online. Tapos, wala na palang ticket o napakamahal na, kawawa naman ang mga fans.


“Kawawa rin ang mga artists kung 'di sila mapapanood ng fans nila o kung nabudol ang mga fans ng scalpers. Kaya ‘yung iba ay nanonood abroad. Sayang ang pera sa Pilipinas na sana ginagastos, sa ibang bayan pa napupunta.”


‘Yan din daw ang ginawa ni Kiko noon sa bigas, inayos niya ang sistema para sa mga Pilipinong mamimili.


“Hindi tayo nagpadala (sa) presyo ng scalpers ng bigas, sa presyong dala ng artificial inflation. Binaba natin sa tunay na balor ng bigas ang presyo ng pagbili natin dito.


“Makikinabang din sa ating ipinapanukalang batas ang mga concert organizer dahil mapapanatili ang kontrol sa pamamahagi ng mga tiket o produkto sa kanila, at ang isang mas mahusay na reputasyon,” pagtatapos na mensahe ni Kiko. 


Nagpasalamat naman ang mga netizens sa panawagan at impormasyong hatid ni Kiko. 

“Grabe po, thank you for this.


“Pakiimbestigahan din ang mga organizers dahil mukhang inside job din naman ‘yung mga anomalya sa ticket selling.”


Kaya huwag nang magtaka ang mga fans d'yan na gustong manood ng concert ng kanilang mga idolo pero sobrang mahal ng tiket.


Bago pa napunta kay Monsour…

DAWN, NAGING GF NI RAYMOND LAUCHENGCO 


BUSY na ang singer-actor na si Raymond Lauchengco sa pagpo-promote ng kanyang 40th anniversary concert titled Just Got Lucky na gaganapin sa The Theatre, Solaire Hotel & Casino on November 23, 8 PM.


Nu’ng makausap namin si Raymond during the intimate presscon for his concert, pinagbigyan niya ang hiling namin ni Push.com writer Manila Santos na baka puwedeng magkuwento siya kahit kaunti sa kanyang love life noon.


Bukod kay Sharon Cuneta na first celebrity crush ni Raymond, hindi kasi masyadong nalantad sa publiko ang tungkol sa kanyang love life.


Pinagbigyan naman ni Raymond ang request namin kung sinu-sino ang mga female celebs na naka-date niya noon.


Buwelo ni Raymond, “Uh, I dated quite a few of the girls…. Hahaha!


“I dated Dawn (Zulueta). I wanted to date Sharon but that would never happen because you know… baby brother-baby brother (treatment ni Sharon sa kanya). But, yeah.


“Maricel (Soriano)? I became very fond of Maricel. And I had a crush on her while we were filming.


“Because once you get to know her, she’s very sweet. She’s very sweet. And yeah, I had a crush on her too.


“But after the movie, wala na. We never really saw each other anymore.”

Pero may isa talagang artista na nakarelasyon niya sa showbiz.


“I already said it kanina,” na ang tinutukoy ni Raymond ay walang iba kundi si Dawn.


Naging sila bago nakarelasyon ni Dawn si Monsour del Rosario.

Then we asked him again kung nagtagal ang relasyon nila ni Dawn.


“Hindi,” mabilis na sagot ni Raymond.


Anyway, si Bituin Escalante ang special guest sa Raymond Lauchengco, Just Got Lucky  concert directed by Waya Gallardo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page