top of page

Sa 1st anniv, super in love pa rin… CARLO, TODO-PRAMIS NA PANG-FOREVER NA SILA NI CHARLIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 11, 2025



Photo: Carlo Aquino at Charlie Dizon - IG


Parang kailan lang nang ikasal sina Carlo Aquino at Charlie Dizon, heto at naka-isang taon na ang celebrity couple.


May nakakaantig na mensahe si Carlo sa kanilang 1st anniversary ni Charlie. 

Post ng aktor sa kanyang Instagram (IG) account, “Mabilis na dumaan ang isang taon.


Palagi mong tatandaan na nandito ako para sa ‘yo. Kasama mong maglalaro, masusugatan, mananalo, matatalo, at higit sa lahat, makakasama mong tumibay.”


May photo rin siyang in-upload kasama ang anak niyang si Enola Mithi sa una niyang partner, “To a life of resilience, never ending change, and meaning... I’ll ride with you through the flow or even against it. Sa mga unos ng buhay, ikaw ang kakapitan, at ikaw na rin ang kapitan! Mahal kita, Kapitan Matienzo Aquino. Ngayon at kailanman.”


Natuwa ang mga netizens na noon ay maraming sinasabi sa relasyon nina Charlie at Carlo. 


“Ang sweet ni Carlo, Huhuhu! Inggit.”


“Happy anniversary to my faves!”


“Grabe, nakakaiyak ‘yung message. Love you guys.”


“Super lucky n’yo sa isa’t isa, more annivs to come!”


“Iba talaga ang pag-bloom ng isang babae ‘pag nasa tamang tao.”



Ang tagal na rin pala bago nagkatrabahong muli sina Gerald Anderson at Jessy Mendiola, 14 years ago na mula nang gawin nila ang hit serye noong Budoy

This year, muling magkatrabaho ang dalawa sa Sins of the Father (SOTF).


Sa panayam nga ni Luis Manzano kay Gerald sa vlog nitong Luis Listens na mapapanood sa YouTube (YT), inamin ng aktor na excited siyang mapanood na ng Filipino audience ang kanilang bagong serye ni Jessy.


“It’s not just a specific dream role, at least I’m doing something na may social awareness. Like itong show namin ni Jessy, it’s about scamming. 


“Because sa hirap siguro ng buhay ngayon sa ‘Pinas, with everything happening — economy, inflation, and the hardships of life — people are tempted and desperate to earn,” ani Gerald.

Dagdag pa niya, “But there’s no easy way, maniwala kayo. For example, sa industriya namin, kaming mga artista, ang nakikita n’yo lang, ‘yung finished product.”

Ipinagmamalaki ni Gerald ang akting ni Jessy.


Sey niya, “Ang ganda ng role niya. Specifically for Jessy, it’s a dream role for actresses talaga. Lahat nasa kanya – action, suspense, drama, mystery, love, family – everything’s there, so madami kayong dapat abangan.


“Ang sipag din n’ya rito. Unang-una, may pamilya na s’ya, may asawa na siya, may anak na siya. There’s so many reasons for her not to be there, not to do this, but she was there giving 110%. So it inspires me even more.”


Samantala, may warning din siya sa mga taong mapagsamantala, “Pero the point is, walang madali sa buhay. So ‘wag din kayo magpauto sa mga one time big time millionaire deals kasi hindi naman totoo ‘yan and you’ll see it through this show, Sins of the Father.”

Ano ba ang mae-expect ng mga fans ni Gerald sa bago niyang show?


Sagot niya, “I’m just so happy with this show. It’s because ito ‘yung first show ko after almost three years. The last one was A Family Affair. I’m just happy because it’s one of the most interesting and challenging roles. Ngayon pa lang, I’m very proud and excited na i-offer sa inyo kasi pinaghirapan namin ito.”


After makipag-live-in noon kay Nadine…

JAMES, IKAKASAL NA RAW KAY ISSA


HOW true na engaged na sina Issa Pressman at James Reid?


May nakapansin kasi sa piktyur na ipinost ni James sa kanyang Instagram para batiin ang girlfriend na may suot nang engagement ring ang younger sister ni Yassi Pressman.   


Kaya ang komento ng mga netizens…


“Wow, akala ko, ‘di naniniwala sa kasal si James? Siguro with the right woman, okey s’yang magpakasal.”


“End game na n’ya siguro si Issa. Best wishes.”


Sabi naman ng isang commenter, “Para ngang mag-asawa na sina James at Issa and they live together and kahit America or Philippines at Australia, palaging magkasama.”


“I am not surprised. When a man really falls in love, a lot of his mindset changes.”

Siyempre pa, nabanggit na naman ang pangalan ni Nadine Lustre na ex-GF ni James.


“Ganu’n din naman si James kay Nadine, palagi silang magkasama at live-in pa ‘yung dalawa.”


“It’s not special kung ang ginawa mo noong unang mga naging girlfriends ay ganu’n pa rin. Pareho lang naman ang style. Magiging special lang ‘yan kung may wedding bells. Ibig sabihin, pinapanindigan ka talaga at ikaw ang pinili.”


“No, hindi ganyan si James kay Nadine noon. Tanggapin mo na ang katotohanan. Masaya na rin si idol mo sa BF n’ya.”


Samantala, may isang nag-comment na tila ‘di pa rin maka-move on, “Niloko nila si N. Sinaksak sa likod.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page