top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa 10 taong relasyon kay Daniel… SIGAW NI CRISTY: KUNG BUNTIS MAN SI KATHRYN, 'DI NAKAPAGTATAKA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2022
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 5, 2022




Inalmahan ni Nanay Cristy Fermin ang tsikang buntis daw si Kathryn Bernardo na nag-ugat sa edited thumbnail ng aktres sa social media kung saan may nakalagay na pregnancy test kit at may text na "I’m pregnant."


Isa ito sa mga topics nina ‘Nay Cristy at Romel Chika sa programa nilang Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 News FM nitong Huwebes nang hapon.


Ani Nanay Cristy, “Pangungunahan ko na po ang ating mga kababayan, ang ating mga CFMers, lalo na po ang mga tagahanga ng KathNiel. Ito po ay isang isyu na itinawag sa akin ng maraming tao, maraming sources, at iisa po ang kanilang katanungan. Ito po ay kung totoo na nagdadalantao ngayon si Kathryn Bernardo.


“Isa lang po ang isinagot ko, hindi ako naniniwala at kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon? Eh, alam naman natin na mahigit na isang dekada na silang magkarelasyon ni Daniel Padilla.


“Napag-uusapan na rin po nila ang pagpapakasal kaya lang pareho po silang nagkakaintindihan na may mga mas importanteng bagay pa silang kailangang tutukan.”


Sa pagkakaintindi rin namin ay hindi pa ngayong taon o sa 2023 ang plano ng KathNiel na magkaroon ng anak o magpakasal dahil may mga kailangan pa silang iprayoridad sa karera nila, lalo nga ngayon na nagte-taping sila ng teleserye nilang 2 Good 2 Be True na matagal nang hinihintay ng kanilang mga supporters.


Bukod dito ay may ipinatatayo pang bahay ang aktres kaya malamang, inuuna muna niyang matapos ito bago sila magdesisyon ni Daniel kung ano ang susunod na mangyayari.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page