RYZZA MAE, HONOR STUDENT KAHIT BUSY SA EAT BULAGA!
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 15, 2023

Magandang ehemplo si Ryzza Mae Dizon sa mga kabataan ngayon dahil nagawa niyang pagsabayin ang kanyang showbiz career at pag-aaral.
Nagawa pa rin ni Ryzza na bigyan ng pagpapahalaga ang kanyang edukasyon at nakapagtapos pa nga siya ng junior high school with honors kahit na busy din siya sa programang Eat... Bulaga!.
Talagang naiiba nga si Ryzza sa ibang child stars na naranasan lang magkapera at kumita sa pag-aartista ay nawalan na ng interes sa pag-aaral.
Marami pang gustong marating si Ryzza kaya nagpupursige talaga siya sa pag-aaral.
Ayaw niyang umasa at dumepende lang sa pag-aartista habambuhay.
Samantala, magandang balita naman para sa mga fans ni Ryzza na mananatili pa rin itong bahagi ng EB!.
Nagmarka sa mga viewers si Ryzza nang manalo siya sa segment ng EB! na Little Miss Philippines.
Super cute at bibo niya kasing bata at marami ang talagang natuwa sa kanya.
Nagkaroon pa nga siya ng sarili niyang segment noon sa EB! na The Ryzza Mae Show at kilala rin siya sa tawag na "Aling Maliit".
Kumbaga, gamay na gamay na rin ni Ryzza kung ano ang gusto ng mga loyal viewers ng EB! at para na rin niyang tunay na pamilya sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, pati na rin sina Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Maine Mendoza at marami pang iba na parte ng nasabing programa.
Nasubaybayan na nga natin ang paglaki at pagdadalaga ni Ryzza sa EB!.





Comments