top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

RYZA, NAGREKLAMO SA P120K NA WATER BILL, PINAGBAYAD NA LANG NG P2K PLUS

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 24, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 24, 2022



May update si Ryza Cenon sa inireklamong P120K water bill gayung 10 PM to 4 AM, nawawala raw ang tubig sa kanila at ang tubig nila ay mula 5 AM to 9 PM lang.


Tinawag nito ang pansin ng Maynilad dahil hindi raw sila carwash para maging ganu’n kalaki ang water bill nila sa mga nakaraang buwan.


Masaya na si Ryza sa bago niyang post habang hawak ang babayaran nila this month na P2,116.21. Kaya masaya na rin ang mode ng kanyang update sa problemang ipinost sa Instagram.


“Yey!!! Naayos na!! Ok, ito na ang update. Nagpunta ang Maynilad para i-check ‘yung water line namin, tapos pinalitan nila ang meter namin. Sabi nila, need din ipa-check sa tubero namin, baka may leak. So, ipina-check namin, may leak po sa likod ng house, pero maliit lang. Pero siyempre, nag-question ako, bakit P120 K umabot? Imposible po na aabot ng ganu’n kalaki sa isang buwan kahit may leak. Kaya ang ginawa nila, itinest ‘yung lumang meter namin,” part ng post ni Ryza.


Tumawag daw ang Zone Head ng Maynilad, in-explain ang sitwasyon at ang ending ng usapan nila, ibabase ang babayaran nila sa amount na equivalent ng average bill nila for the last 6 months.


Kaya 2k+ na lang ang babayaran nila.


Nagpasalamat si Ryza sa mga nag-assist sa kanila, pero ang mga netizens, may reklamo. Bakit daw ‘pag celebrity ang nagrereklamo, mabilis nilang naaaksiyunan?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page