Ryan, ibinulgar ang dinanas na hirap bago yumaman

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 5, 2024

Proud moment para sa "It's Showtime" host na si Ryan Bang ang naging panayam niya kay Karen Davila.
Sa vlog kasi ni Karen, ibinida ng TV host ang kanyang bagong restaurant na ’PALDO’ at ibinahagi ang kwento sa likod nito at kung paano siya nag-succeed sa buhay kahit pa marami ang hinarap niyang pagsubok.
Pagkukwento ni Ryan, dati raw silang may kaya sa South Korea ngunit nagbago ang lahat nu'ng nawalan na ng kita ang kanyang ama at nagdesisyon na ang mga magulang niyang maghiwalay.
May mga panahon daw na hindi na kinakaya ni Ryan ang hirap sa buhay lalo pa nu'ng nakita niyang nagtatrabaho ang kanyang ina na taga-hugas ng pinggan sa isang octopus house kaya dinala na lang siya nito sa 'Pinas sa tulong ng isang matalik na kaibigan.
Naging motivation daw ng host ang nakitang paghihirap ng kanyang ina na kinailangang kumayod nang sobra at ang personal na naranasang challenges sa buhay.
Natuwa naman ang mga netizens sa naging emosyonal na pagbabahagi ni Ryan ng kanyang kwento at masaya sila para sa nakamit nito ngayon lalo pa't successful ang caree





Comments