top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Russian military todas, 25 pa sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2023
  • 1 min read

ni Loraine Fuasan (OJT) | April 4, 2023




RUSSIA — Isang sundalo ang nasawi at 25 katao ang sugatan sa pagsabog sa St. Petersburg café, noong Linggo.


Kinilala ang biktima na isang military blogger na si Maxim Fomin alyas Vladlen Tatarsky, na isang vocal supporter ng digmaan ng Russia sa Ukraine.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, ipinakilala si Tatarsky at dala ang isang box na may lamang estatwang maliit na pinaghihinalaang pinagmulan ng pagsabog sa isang café.


Dagdag pa nito, ang naturang cafe na pinuntirya ay dating pag-aari ni Yevgeny Prigozhin, na pinuno ng kilalang Wagner mercenary group sa Russia.


Ayon kay Olga Ivshina ng BBC, si Tatarsky ay kasapi ng Russian separatist forces at ng rebeldeng Donetsk nang palayain siya mula sa kulungan noong 2014, kung saan siya ay nagsisilbi ng oras para sa armadong pagnanakaw. Ang Donetsk ay isa sa mga rehiyon na inaangkin ng Russia.


Sa ngayon iniimbestigahan pa rin ang insidente sa St. Petersburg café.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page