top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Gusali sa Manhattan, inilikas matapos bumaluktot ang mga haligi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | July 9, 2026



Unstabble building sa Manhattan - FDNY-andout via Reuters Circulated


Inilikas ng mga awtoridad ang isang abalang street block sa Manhattan noong Martes ng umaga matapos masira ang ilang structural column sa loob ng isang mataas na gusaling sumasailalim sa konstruksyon.


Ang gusali, na dating punong tanggapan ng pharmaceutical company na Pfizer malapit sa Grand Central Station at punong himpilan ng United Nations, ay kasalukuyang ginagawang residential apartments mula sa dating mga opisina.


Sa paunang inspeksyon, natuklasang bumigay ang dalawang pangunahing structural column at nagkaroon ng mga bitak at pagkalubog ng ilang bahagi ng sahig, dahilan upang ituring na hindi pa ligtas ang gusali.


Wala namang naiulat na nasugatan at ligtas ang lahat ng manggagawa sa proyekto. Naghahanda na rin ang mga inhinyero na maglagay ng karagdagang suporta sa gusali upang maiwasan ang karagdagang pinsala.


Bilang pag-iingat, inilikas din ang mga kalapit na hotel, negosyo, apartment at isang paaralan, habang pansamantalang isinara ang mga kalapit na kalsada. Gumamit din ng drone ang mga awtoridad upang masuri ang lawak ng pinsala bago payagang makabalik ang mga residente at manggagawa sa lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page