Russia, may 520k bagong trabaho sa defense sector

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 3, 2024

Lumikha ang Russia ng higit sa kalahating milyong bagong trabaho sa sektor ng depensa upang tugunan ang lumalaking pangangailangan sa pakikipaglaban, ayon kay President Vladimir Putin.
Naglalaan ang kanilang gobyerno ng maraming resources para sa kanilang malawakang pag-atake sa Ukraine.
"In the last year and a half alone, 520,000 new jobs have been created in defense," sabi ni Putin sa isang political forum.
"In order to be successful on the battlefield today, it is necessary to react quickly and adequately to what is happening there," aniya.
"So whoever does it all faster, wins," dagdag niya.
Matapos ang ilang buwan ng paglalaban na walang dulot sa pag-aangkin ng teritoryo para sa Russia o Ukraine, patuloy na nagpapadala ang Moscow ng mas maraming armadong tao at nagpapalakas ng produksyon ng mga armas.
Noong nakaraang taon, ipinakita ng Russia ang kanilang plano na taasan ng 68% ang gastusin sa militar, na higit sa kabuuang gastusin para sa edukasyon, pangangalaga ng kalikasan, at healthcare.
Nagresulta ang pag-angat na ito sa gastusin sa mas mataas na demand sa ekonomiya ng Russia.





Comments