top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Rush daw… FOR SALE NA ROLLS ROYCE NI WILLIE, BINILI NG P35 M, BAGSAK-PRESYO, HALF PRICE NA LANG!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2020
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 20, 2020




Inisip ng lahat noong panay ang bili ni Willie Revillame ng luxury cars, yate at helicopter na nagyayabang lang ito. Pero ang iba naman, naunawaan na koleksiyon kasi ito ng Wowowin host, bukod pa sa sobra ang pera niya kaya binibili niya ang gusto niya since hindi naman siya nagkukulang sa sustento sa mga anak at apo.


Pero heto, lahat ng mamahaling sasakyan ni Willie ay may paggagamitan pala, dahil ibinebenta na niya ang mga ito para makatulong sa mga biktima ng bagyong Rolly at Ulysses.


Sabagay, bago pa naman nangyari ito ay marami na siyang natulungan simula pa noong nag-lockdown dahil sa Covid19 pandemic — mga ordinaryong tao, mga drivers na nawalan ng trabaho, mga kasamang personalidad sa showbiz industry na tinamaan din ng pagsasara ng ABS-CBN na wala na ring trabaho na kailangan ng pambili ng gamot, at marami pang iba.


Sabi nga nila, kahit gaano kalalim ang balon ng tubig, kapag laging iniigiban ay natutuyo rin. Kaya kinailangang magbenta ng sasakyan ng TV host para sa mga biktima ng baha sa Bicol region, Marikina at Montalban.


Anyway, personal nang ibinigay ni Willie sa kanyang programang Wowowin ang tsekeng nagkakahalaga ng P5M kay Marikina Mayor Marcy Teodoro para sa mga nasasakupan niya sa nasabing lungsod na biktima ng baha.


Sa kuwentuhan nina Willie at Mayor Marcy ay nabanggit ng una na ibinebenta na rin niya ang iba pa niyang mamahaling sasakyan tulad ng Range Rover at Rolls Royce.


“Kaninang umaga, sabi ko, ‘I-fastbreak mo na rin 'yung isa kong kotse para pupunta ako sa Cagayan saka Isabela.


“Kaya kinausap ko kanina 'yung pinagbenta ko ng Range Rover. Sabi ko, ''Yung isa kong kotse, ibenta mo na rin.'


“Ipinapabenta ko na rin po 'yung isa kong kotse na Rolls Royce kahit na mura lang. Binili ko nang P35M, kahit kalahati na lang, sabi ko,” sabi ni Willie.


Sa mga nangyaring kaganapan sa Pilipinas simula pa nitong 2020 ay naisip ng TV host kung saan niya gagamitin ang mga magaganda at mamahaling sasakyan.


Sabi ni Willie, “Hindi ko na naman kailangan na 'yan, totoo 'yan. Hindi po ito pagmamayabang o ano, ito po’y ginagawa ko."


Tanong daw sa kanya, "Bakit mo ipinapakitang tumutulong ka?"


Sagot ni Willie, “Eh, kanino ko ibibigay 'yung pera? Itatapon ko sa tao? And magpapapila ako? Siyempre, sa mga local government. At gusto kong malalaman ng mga kababayan n'yo na magbibigay ako para ho malaman n'yo na may tumutulong sa inyo.


“Hindi naman ho ito oras na, ‘Tatakbo ka ba?’


“Hindi ho. Wala sa isip ko 'yan. Ang nasa isip ko, 'yung panahon ngayon, kung ano ang dapat gawin sa mga kababayan mo, 'di ba? Tulung-tulong, sama-sama tayo.


"Kung may pagkakataon na maibenta 'yung isa kong sasakyan, tatakbo ako ng Cagayan, tatakbo ako ng Isabela. 'Yun ang gagawin ko. Tumutok kami sa inyong mga pangangailangan.”


Nabanggit din nito dati na hindi naman niya nagagamit ang mga mamahaling sasakyan kaya gawin na lang niyang pera para ipamahagi ito sa mga nangangailangan.


“Naisip-isip ko, napakabait ng Panginoong Diyos sa akin. Una na noong pandemya, may trabaho kami, 'yung aking mga staff, 'di kami pinabayaan.


“Humaharap ako sa mga tao minsan na wala akong mask, kasi minsan, nakakalimutan ko, awa ng Diyos, 'di ako nagkakasakit.


"Aanhin ko 'yun, nasa garahe lang? Sa panahon na 'to, hindi ko kailangan ng ganyan.


“Sabi ko, siguro, ito na 'yung pagkakataon na makatulong ako sa mga kababayan natin ulit.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page