RURU, SINABIHAN NG NETIZEN NA 'DI BAGAY KAY BIANCA, RUMESBAK
- BULGAR
- Feb 12, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 12, 2023

Natawa kami sa sagot ni Ruru Madrid sa isang netizen na nag-comment ng “'Di bagay, sobrang bata ni Bianca,” sa post ng aktor ng photos nila ng GF na kuha sa taping ng The Write One.
Humirit pa ang netizen ng “'Di 'yan magtatagal, pramis,” na ang tinukoy ay ang relasyon nina Ruru at Bianca.
Sagot ni Ruru sa netizen na concerned sa age gap nila ni Bianca, “Boss, pabili ako ampalaya” at ayaw magpapigil ang netizen at sinagot si Ruru ng “Puwede rin.”
Nag-react ang mga fans nina Ruru at Bianca sa netizen na ayaw magpapigil at tiniyak na hanggang d'yan na lang daw 'yan, na hindi malinaw ang ibig tukuyin.
Sabi ng mga fans, hindi magtatagal ang dalawa kung hindi sila seryoso sa kanilang relasyon at kung hindi nila mahal ang isa’t isa.
Tungkol naman sa edad, 25 years old si Ruru at si Bianca ay turning 23 years old sa March 2. May ibang couples na mas malayo ang age gap, ‘yun na lang daw ang pagkaabalahan ng netizen.
Kaya siguro nasabi ng netizen na masyadong bata si Bianca kay Ruru ay dahil sa photos, ang batang tingnan ng aktres dahil sa suot na ibinagay sa mga karakter nila ni Ruru sa The Write One bilang sina Liam at Joyce.
Maganda ang story ng The Write One, may pagka-fantasy at malaki ang magiging papel dito ng isang old typewriter. Ang GMA Public Affairs ang producer ng series na first time pagtatambalan ng magdyowang sina Ruru at Bianca.





Comments