Ruru, busy sa iba... BIANCA, MAG-ISA LANG NA RUMAMPA SA GMA GALA NIGHT
- BULGAR
- Aug 4, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 4, 2022

Hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala last Saturday dahil nasa South Korea siya at nagte-taping ng Running Man Philippines. Kaya naman solo flight at walang date sa ball ang girlfriend niyang si Bianca Umali.
Hinayang na hinayang nga si Ruru na na-miss niya ang pagkakataon na makadalo sa first gala night ng kanyang network at siyempre, pati na rin makasama ang GF sa nasabing napakalaking event.
Pero ayon kay Ruru, proud na proud siya sa stunning look ni Bianca nang gabing ‘yun.
“Nu’ng nakita ko na naglalakad siyang mag-isa, she was so beautiful. For me, mas kailangan po niya ang spotlight na ‘yun, na mag-isa siya, na wala po ako sa tabi niya,” pahayag ni Ruru sa panayam sa 24-Oras.





Comments