top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

RURU, AMINADONG NAGBAGO ANG UGALI DAHIL KAY BIANCA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 3, 2024





Sa gitna ng sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, nakakatuwang mayroon pa rin namang matibay na matibay ang relasyon at isa na rito ang celebrity couple na sina Ruru Madrid and Bianca Umali.


Habang ang ibang mga showbiz couples ay nagpo-post ng confirmation of their breakup, sina Ruru at Bianca naman ay patuloy na ipinagsisigawan ang pagmamahal sa isa’t isa.


Tulad na lamang ng latest post ni Ruru para sa kaarawan ng girlfriend. Ang sweet ng message niya at looking forward na siya sa kanilang future together.


“Happy birthday to the most amazing woman in my life! You are truly the Yin to my Yang, My partner in laughter and My worst enemy.


“Dahil sa pagmamahal at pag-alaga mo, binago mo ako patungo sa mas mabuting tao. Binigyan mo ng direksyon ang buhay ko, dahil ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. I’m grateful to have you as my best friend for life and I can't wait to see our future unfold together,” bahagi ng birthday message ni Ruru sa GF.


“Hindi ako magsasawa na sabihin sa ‘yo kung gaano ka kaganda sa araw-araw at kung gaano ako nagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Muli, maligayang kaarawan sa pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buhay ko.


“Mahal na mahal kita, Maria Isadora Bianca!” sey pa ng aktor.


Sumagot naman si Bianca sa comment section ng “My worst enemy - indeed. Mahal na mahal na mahal kita.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page