top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Runway, magilas sa Condition Race Merged

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 5, 2022


Nagpakitang-gilas si Runway nang magbanderang tapos sa Condition Race Merged noong Miyerkules sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Humarurot agad sa arangkadahan si Runway na sinakyan ni apprentice rider MP Canete, hinawakan agad ang dalawang kabayong agwat sa humahabol na si Runawayrosemenot.


Lalong umalagwa sa unahan ang anak nina Silver City at Maria's Tale na si Runway sa far turn at halos wala ng gustong humabol kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay kampante pa rin sa pagdadala si Canete.


Hindi pa rin natinag sa unahan si Runway sa rektahan at nanalo ito ng may limang kabayong distansiya sa pumangalawang si Runawayfromrosenot.


Inirehistro ni Runway ang tiyempong 1:10 sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si JC Dyhengco ang added prize na P10,000.


Terserong tumawid sa meta si Dragon Butterfly habang pumang-apat si Wish Afan A Star sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, hindi naman nagpadaig si Costa Del Sol sa pangalawang race matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Nakapagtala ng oras na 1:13.8 sa 1,200 meter race si Costa Del Sol para masilo ang karagdgang premyo na P10,000. Segundo si Caloocan Zip hanag pangatlo si Hot Legs.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page