top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Runawayfromrosenot sumikwat sa Tanauan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 24, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 24, 2023


Napanood ng mga karerista ang galing ni Runawayfromrosenot sa rektahan matapos sikwatin ang panalo sa Condition Race Merged na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas noong Sabado ng hapon.


Kalmadong lumabas ng aparato si Runawayfromrosenot, pumuwesto sa pangatlo habang nagbabanatan sa unahan ang matutulin na sina Princess Mavee at The Accountant.


Hindi tinantanan ng hinete ni Runawayfromrosenot na si Ryan Base ang mga nasa unahan at ng makakita ng pagkakataon ay unti-unti na itong inilapit ang winning horse sa nagbabakbakang sina Princess Mavee at The Accountant.


Papalapit ng huling kurbada ay apat na kabayo na ang nagkakapanabayan sa unahan kasama na si Charm Campaign.


Subalit sa rektahan ay lumabas ang tikas ni Runawayfromrosenot at nanalo ito ng may kalahating kabayo ang agwat sa pumangalawang si Charm Campaign.


Inilista ng Runawayfromrosenot ang tiyempong 1:24.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P10,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Mahusay na kabayo ang galing sa tutukan,hindi man lang nahirapan talunin ang mga nakalaban," saad ni Gabriel Infantes, veteran karerista.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page