Rumored GF, magiging evil na raw… ENRIQUE KAY ANDREA: COME JOIN THE DARK SIDE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 12, 2026

Photo: IG __andreabrownnn & _iamkarendavila
Biniro si Enrique Gil na soft launch sa nababalitang relasyon nila ni Andrea Brown ang pagko-comment niya sa Instagram (IG) story ng huli. Actually, wala namang romantic sa post ni Andrea at hindi rin romantic ang comment ni Enrique, pero may mga kinilig pa rin sa kanila.
Nag-post si Andrea ng, “Just letting everyone know that I’ll be turning evil soon. It sucks, but it has to happen.”
Sabi lang ni Enrique, “Come join the dark side,” at marami na nga ang kinilig.
Wish ng mga fans, magkaroon pa ng more interactions ang dalawa online para may update sila.
Tsinek namin ang IG ni Andrea, maganda siya, at comment nga ng mga fans, bagay sila ni Enrique, never mind daw sa age gap nila.
Makikita sa IG ni Andrea na naka-follow sa kanya ang aktor at laging nangunguna sa mga nagla-like sa post niya.
May nagtanong pa kung hindi pa ba nakukumbinse ni Enrique Gil na mag-artista si Andrea Brown. Puwedeng-puwede siya sa showbiz at bagay silang magkapareha.
Kampo nina Ashtine at Aubrey, umapela…
ATASHA, NEPO BABY DAW KAYA NAKUHANG BIDA SA MUSICAL PLAY
IPINAKILALA na ang four leading men ng Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical (BKDTABM) na kinabibilangan nina Sam Concepcion, KD Estrada, Jeff Moses at Anthony Rosaldo.
Susunod nang ipapakilala ang iba pang cast ng musical at ang aktres na gaganap bilang Annie Batungbakal na sa pelikula ay ginampanan ni Nora Aunor.
Nagsimula na ang rehearsal ng apat at ng ibang cast, pati ang aktres na gaganap bilang Annie B, pero hindi pa siya pinapangalanan.
Sa teaser, ang chin at likod pa lang nito ang ipinakita, pati ang nakapusod na buhok, at dito pa lang, nahulaan na ng mga netizens na si Atasha Muhlach ang napili to play the iconic role sa musical version.
Marami ang natuwa, lalo na ang mga fans nina Atasha at Andres Muhlach, dahil pagkatapos gawin ni Andres ang Bagets the Musical, ang kakambal naman niyang si Atasha ang sasabak sa musical.
Hindi na makapaghintay ang mga fans na mapanood ito on stage na kumakanta at sumasayaw.
Marami rin ang nag-congratulate kay Atasha, deserve raw nito ang mapiling Annie B. dahil kabilang sa talent niya ang sing and dance. Right time raw ito para subukan niya ang stage at musical, at nangako ang mga fans ng suporta.
May mga nagreklamo rin, fans ng ibang Viva Artists Agency talents, na feeling nila ay mas bagay sa role ni Annie B. ang iba pang artista tulad nina Ashtine Olviga at Aubrey Caraan.
May nag-akusa pa kay Atasha na nepo baby daw ito at malaking factor ang parents niyang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez para siya ang mapili sa role.
May nag-comment pa na wala naman itong stage experience, na sinagot naman ng mga fans ni Atasha.
Naglatag sila ng ebidensiya na may stage background si Atasha dahil nakasama siya sa cast ng The Sound of Music (TSOM) noong bata pa siya.
Dagdag pa ng mga fans, hindi ibibigay kay Atasha ang Annie B. role kung hindi nito kaya.
Napapanood din daw sa Eat… Bulaga! (EB!) na sumasayaw at kumakanta si Atasha, at ipinakita na rin nito na marunong siyang umarte.
Anyway, may ingay na bago pa man ma-announce na si Atasha nga si Annie B. Ang isa pang inaabangan ay kung sino ang isa pa dahil kadalasan, dalawa ang napipili para sa parehong role bilang understudy.
Ang Bongga Ka ‘Day! The Annie Batungbakal Musical ay nakatakdang mag-run mula September hanggang October sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts. Ang Philippine Educational Theater Association (PETA) Plus ang in charge sa production.





Comments