top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rumored BF ng aktres, 'di nakatiis… DIREK RICO, KINANTIYAWAN SI ALESSANDRA NA MAGPABUNTIS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 30, 2020
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | October 30, 2020



Sobrang proud si Alessandra de Rossi sa bagong panganak niyang sister na si Assunta de Rossi. Ishinare ni Alex ang pictures ni Assunta at ng baby nito na si Fiore sa kanyang Instagram account.


"My sister is now a mother and... 'Di ako maka-get over. I'm so proud of you @assuntaledesma!!!! What a brave woman! Sobrang cute ni Fiore," caption ni Alessandra sa picture ng magkatabi na sina Assunta at Fiore sa magkahiwalay na kama habang natutulog sa ospital.


Ipinost din ni Alex sa Instagram ang piktyur niya habang karga si Baby Fiore.


Mukhang si Baby Fiore lang ang nakapagpalabas ng bahay kay Alex. Hindi nga ba't ayaw niyang tumanggap ng project at lumabas ng bahay dahil afraid siya na ma-infect ng covid-19 virus?


Say pa niya, inaalala rin niya ang safety ng kanyang ina na may-edad na rin at baka siya pa ang makahawa rito.


"Lagi kasi s'yang malikot sa tiyan 'pag dinadalaw ko dati. So, nag-smile s'ya sa akin. Sabi n'ya... Ahaaaaa.... Ito 'yung maingay na babae!! Canfeeerm! I love you both! See you soonest! Swab ulit! Ano 'toooh. It's hard. But I'll focus on the miracles! Swab it is!"


Anyway, tinukso naman si Alex ng kanyang celebrity IG followers na gumawa na rin siya ng sarili niyang anak.


"Gawa ka na rin ng bambina mo, puhleaze!"


Reply ni Alex, "Ikaw na lang..."


Sagot ng kausap ni Alex sa comment section, 'di na siya puwedeng magka-baby.

Pero sabi ni Alex, "Mag-3 Hail Mary ka, tapos sayaw sa Obando para future ko. Ako'y naghihintay lang kung ano ibibigay ni God."


Say ng direktor na si Rico Gutierrez na last year pa nali-link kay Alex, bagay daw sa aktres na magka-baby.


Nag-reply naman ang Kapuso host na si Camille Prats sa comment ni Direk Rico, "I agreeeee, direk!"


Hmmm... Mukhang may alam si Camille, ha?!


So, there.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page