Rumampa sa fashion show abroad… HEART, PAYAT NA PAYAT, TUYOT AT PROBLEMADO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 27, 2022

Sa latest Fashion Week sa Milan, Italy, marami ang nakapansin na malungkot ang hitsura ni Heart Evangelista. Sa kabila ng kanyang kasosyalan at branded outfits, halata ang kanyang kalungkutan.
Mukha siyang problemado at malaki ang nabawas sa kanyang timbang. Ang tingin nga ng iba ay natutuyot na si Heart.
It seems mabigat nga ang pinagdaraanan niya ngayon at hindi niya magawang itago sa publiko. Marami tuloy ang nagsasabing hindi naman pala masaya ang buhay ni Love Marie Ongpauco a.k.a. Heart Evangelista kahit na sandamakmak ang collection niya ng branded bags, shoes, jewelries at may mala-mansion pang bahay.
Nakilala na rin siya sa fashion world sa Paris at New York. Pero, empty pa rin ang kanyang pakiramdam lalo na ngayong may problema sa marriage nila ni Sen. Chiz Escudero.
Ibang-iba na ang mundo ngayon ni Heart Evangelista. Hindi na lamang siya isang artista, nag-level-up na ang kanyang pagiging artist. Milyones na ang halaga ng kanyang mga paintings. In demand na siyang product endorser.
Ang tanong, masaya ba si Heart sa buhay niya ngayon?





Comments