top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

RUFFA, GUMANAP NA IMELDA PERO UMAMING 'DI SI PBBM ANG IKINAMPANYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2023
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 28, 2023





Para sa mga haters and bashers ni Ruffa Gutierrez na inaaway siya dahil tinanggap niya ang role bilang Imelda Marcos sa trilogy film ni Darryl Yap about the Marcoses, nilinaw ng aktres na walang kinalaman ang pulitika sa kanyang desisyon.


"When I accepted the project, I didn’t even know that it was a trilogy. I just knew that Maid in Malacañang, okay, the last 3 days of the Marcoses before they were kicked out of power. So, ‘yun lang," paliwanag ni Ruffa sa kanyang panayam kay Korina Sanchez sa Rated Korina vlog nito.


Kinlaro niyang in-offer sa kanya ang role pagkatapos ng presidential elections noong 2022, kung saan nga ay si Ferdinand "Bongbong" Marcos ang nanalong Pangulo.


"They offered me the role after the elections. Kaya sa mga naninira, ‘di ba, akala nila that I was part of the victory of Bongbong Marcos, our President, I wasn’t. This was offered to me after he was elected," she said.


Patuloy niya, "I was just sitting in my living room then, I think 2 weeks after the elections, I got the call. And sabi ko, ‘Sure, why not?’ 'di ba? I mean, I’m playing the role of our former First Lady, Imelda Marcos.


"Whether you love her, you hate her, you idolize her, she's still a very iconic individual and everyone in the world knows her. So, why wouldn’t I be excited to portray her?"


In fact, ang ikinampanya pa nga raw niya noong nakaraang eleksiyon ay si Manny Pacquiao at hindi si P-BBM. Pero, friends din naman daw niya ang mga Marcoses.


Marami rin naman daw siyang mga kaibigang pulitiko bilang nakakasalamuha niya ang mga ito within showbiz circle.


"Hindi naman ako aktibista. Artista ako," sambit pa ni Ruffa.





Lumaki kaming napapakinggan ang mga awitin ng singer-composer na si Rey Valera at talaga namang halos lahat ng kanta niya ay paborito namin. Isa siya sa mga singers na maituturing natin na talagang tagos sa puso ang tinig at mga awitin.


Kaya naman talagang na-excite kami sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) na official entry sa First Summer Metro Manila Film Festival directed by Joven Tan dahil ito ang kauna-unahang bio-film ng aming favorite singer-composer.


And true enough, sa celebrity screening ng movie na ginanap last Saturday sa Gateway Mall, talaga namang sa mga musika pa lang ni Rey na mapapakinggan all throughout the film, panalung-panalo na.


Kung batang 80's ka at lumaki ka rin sa mga musika ni Rey, you’ll love every minute of the film or kahit nga ‘yung mga bagong henerasyon ngayon na hindi pa ipinapanganak noong kasikatan ng OPM icon.


Tiyak naming marami ang maiibigan ang mga awiting isinulat ng singer-composer kapag napanood na nila ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).


Hindi talaga namin napigilan na mag-flashback sa masasayang panahon ng kabataan namin habang naririnig namin sa pelikula ang mga awitin ni Rey.


As for the story, mahu-hook ka na agad sa simula pa lang, especially, kung interesado ka sa life story ni Rey dahil ito nga ang unang pagkakataon na masisilayan natin ang tunay na buhay ng OPM icon na wala pang masyadong nakakaalam.


Ngayon nga lang namin nalaman na ang dami niya rin palang hirap na naranasan mula sa pagkabata hanggang sa sumikat na siya.


Isa pang bentahe ng movie ay ang star-studded cast na you’ll wonder kung paano silang lahat napagsama-sama sa isang pelikula.


Si RK Bagatsing ang gumanap na Rey na of course, alam naman nating mahusay na aktor kaya naman effortless din niyang nagampanan ang kanyang karakter.


Revelation si Eric Nicolas na gumanap namang si Rico J. Puno dahil kamukhang-kamukha niya talaga ang namayapang singer, at pati nga ang kilos nito ay nagaya niya rin.


Showing na sa mga sinehan ngayong April 8 ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).


It’s a must-watch film, especially if you’re a fan of Rey and his music.

Sa mga kanta pa lang niya, siguradong sulit na sulit na ang ibabayad n’yo.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page