Ruffa at Herbert, sweet sa Tiktok… YILMAZ, ATRAS NANG BUMALIK SA ‘PINAS
- BULGAR
- 2h
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 21, 2025
Photo: Yılmaz Bektas - IG
Hindi na pala matutuloy ang Turkish ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas na bumisita ng Pilipinas ngayong Mayo.
Sey ng aktres sa launching ng bago niyang endorsement na ‘Magical Gems by Isabel and Alexandria’ kahapon na ginanap sa New Greenhills Mall, “Nanonood yata s’ya (Yilmaz) ng mga videos online, parang ayaw na n’yang pumunta. Buti nagpadala pa ng allowance.”
Matatandaang sinabi ni Ruffa na bibisitahin ni Yilmaz ang mga anak sa Pilipinas after so many years at inanunsiyo rin ito mismo ng kanyang ex-hubby sa Instagram (IG).
Nabiro rin ng press ang aktres tungkol sa pagpo-post niya ng reel sweet moments nila ng boyfriend na si Herbert Bautista sa TikTok bilang pagbati sa kaarawan nito noong May 12.
Bihira kasing mag-post si Ruffa ng mga videos and photos nila together kaya naman pinagpistahan talaga ng netizens ang reel.
“I only post kasi twice a year. Alam mo, maganda kasi ‘pag sa personal life, mas nagtatagal at mas healthy kung private. Iba ‘yung private, iba ‘yung secret.
“Sa mga nagpo-post lagi, araw-araw or ano, parang hindi na bagay. So, mas maganda na private. And ipinost ko lang ‘yun kasi birthday n’ya,” aniya pa.
Late na nga raw ang greetings niya at May 13 na siya nag-post dahil eleksiyon ng May 12.
Anyway, first time mag-endorse ni Ruffa ng isang jewelry brand at sobrang happy ng may-ari na si Mr. Harry Chua na pumayag ang aktres sa kanilang partnership.
“This is such a blessing. Ruffa is a gift from heaven. I never expected this to happen. We are a home-grown Davao company and we’re small, modesty aside. This is our first outing, this is my first time to experience this kind of like, national level to introduce our brand,” pahayag ni Mr. Harry.
Suot-suot nga ni Ruffa kahapon ang mga alahas ng Magical Gems na talaga namang napakaelegante. Happy nga rin ang aktres dahil mahilig din siya talaga sa jewelry na namana niya sa kanyang inang si Annabelle Rama.
Sey niya, marami-rami na rin siyang naipundar na alahas through the years at ang iba ay galing pa sa kanyang ina. Ang iba naman ay binili niya at ang iba’y gifts sa kanya. Ang mga tine-treasure raw niyang jewelry ay naka-safety sa vault ng kanyang mommy.
Sey ng aktres, sobrang love niya ang mga jewelry ng Magical Gems dahil bukod sa maganda talaga ang quality ay unique raw at one of a kind ang mga designs.
Masaya ring inanunsiyo nina Ruffa at Mr. Chua na bubuksan ang very first Magical Gems’ physical store sa Davao on June 3 at dadalo rin ang aktres sa opening nito.
When asked kung nakikita niya ba ang sarili in the coming years na may panibagong suot na engagement ring from her special someone, of course, gusto niyang maikasal.
“I’m not closing my doors but I’m happy with the way things are now. So, kung dumating man ang pagkakataon na magpapakasal ako in the future, eh, sana, ‘yan na ang huli. Hanggang sa last breath of my living life, siya na ang kasama ko. If not, dyowa-dyowa na lang,” ani Ruffa.
SA nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) ay sunud-sunod nang ipinakita ang character teasers ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian, pati na rin ang karakter ni Rhian Ramos.
Marami ang bumilib at talaga namang pinag-uusapan ang mga karakter.
Sey ng ilang netizens, “Napahanga ako sa line ni Bianca na ‘Para sa Encantadia.’ Ang strong and powerful niya sinabi ‘yun. Masasabi ko na bagay talaga sa kanya ‘yung role. I can’t wait na mapanood ang bagong Encantadia. Super-angas ng special effects and graphics. Kudos Encantadia Chronicles: Sang’gre. Super-galing n’yo.”
Samantala, kani-kanyang bida rin ang mga fans nina Faith, Kelvin at Angel sa kanilang mga teaser.
Kasabay din nito ang pagpapakilalang muli kay Rhian Ramos bilang Mitena.
Sey ng isang netizen, “Mukhang may bago na namang magpapa-highblood sa ‘kin.”
Abangan ang ECS ngayong Hunyo sa GMA Prime!