RR, TINUTURUAN ANG TRANS NA UTOL NA MAGP*KPOK
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 19, 2023

Pinag-uusapan pa rin ng mga Marites ang dating Sexbomb dancer na si Izzy Trazona-Aragon dahil hindi nito tanggap na gay ang kanyang panganay na si Andrei Trazona.
Maraming nang-bash kay Izzy dahil kung may problema pala siya sa anak, dapat ay hindi na lang nito isinapubliko dahil family matter ito.
Pinagtakpan na nga siya ng anak niya na suportado kuno niya ito, pero nang mag-post si Izzy ay saka inamin ni Drei na hindi talaga siya tanggap ng ina at nagsinungaling lang siya.
Anyway, base sa mga nabasa naming komento, puro bashing at mga payo from netizens ang natanggap ni Izzy at wala kaming nabasa mula sa mga personalidad o celebrities.
Siguro, ayaw nilang makialam o makisawsaw kasi nga, problemang pamilya o baka naman may mga nagpayo pero idinaan sa personal message.
Kahapon nang hapon ay ini-repost ni RR Enriquez ang post ni Izzy. Si RR ay dating Wowowin dancer na negosyante na ngayon at kapag hindi busy ay nakikisawsaw sa mga isyu.
Relate much si RR dahil may kapatid siyang gay kaya may 'K' siyang magbigay ng payo.
Simula ni RR, “I have a transgender sibling. Sobrang favorite ko ang mga gays, because my best friend when I was in high school was gay. That’s why when my brother was born; I forcedly made him a gay. Totoo ‘yan, baby pa lang siya, tini-treat ko na siya na babae. Mine-make-up-an, dinadamitan ng pambabae at pinapa-split. Pinalaki ko siya as a Sexbomb dancer. Basta, gusto ko talaga na gay siya. And true enough, naging trans nga siya.”
Pero nagbago raw ang pananaw ni RR at na-guilty siya sa ginawa niya sa kapatid.
Sa pagpapatuloy nito, “But as you age and mature, you will feel guilty na, ‘Bakit mo ‘yun ginawa sa kanya?’ May mga moments na na-guilty talaga ako kaya ipino-force ko naman siya na maging lalaki back in 2012 (‘yan ‘yung bago ako as a Christian).
“Umabot kami sa nag-aaway na kami, kasi nga ayaw ko na siyang maging gay. I was desperate and tried to bribe him pa to attend a Bible study every week in exchange of shopping ng mga shoes.
“But when he talked to me and said how hurt he was and how painful it is for him to be judged and forced to attend Bible study para hindi maging gay… NATAUHAN ako.
“I prayed and asked God na bigyan niya ako ng compassion to my bro-sis just how God showed mercy and compassion to me.
“After that prayer. I feel relieved! I supported him sa mga gusto niya… May mga moments nga na sasabihin ko na dapat maging sexy na transgender star siya. Mag-post siya sa Instagram ng naka-thong, naka-lingerie or magpa-nip slip siya. Kaso, siya naman ang pabebe, ayaw.
Gusto niya, medyo conservative na trans daw siya. Eh, gusto ko siya i-package as sexy starlet.
Sabi ko nga, mag-join siya ng Only Fans. So, ayan na, pinagtatalunan namin. Gusto ko, magp*kpok image siya, ayaw naman niya.”
Siyempre, joke 'yun ni RR para gumaan naman ang mabasa ni Izzy.
Pero ang payo niya, “But seriously…. My advice is let them do whatever they want to do. Let them fly with their own wings. Hinayaan din ako ng parents ko na lumipad at magdesisyon para sa buhay ko… Tama or mali, one day our mess will become a message to inspire everyone…
“He’s still young and maybe wants to experience or experiment life. Let him. Make a stand for what you believe but always choose compassion and love. Correct him with love. Guide him with love.
“Hindi tayo ang makakapagpabago sa kanila, si God lang talaga. Our job is to pray for them and guide them with love and compassion. You can plant a seed and God will be the one to water it.”




Comments