top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Roxas Vanguards, nakahabol ng panalo vs. MisOr sa VisMin

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | December 01, 2021




Ika nga sa tanyag na salita, lugmok na nakaahon pa. Ito ang nakamamanghang aksiyon na ginawa ng Roxas Vanguards para makuha ang come-from-behind victory mula sa pagkakalubog sa 23-puntos kontra sa Globalport Z Valientes MisOr sa iskor na 90-87, kagabi sa pagtatapos ng unang round ng elimination ng 2nd conference ng Pilipinas Chooks-To-Go Vis-Min Cup Mindanao Challenge sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.


Nakabaon ng 21-puntos na tambak pagpasok ng 4th period, inunti-unti ng Vanguards na tapyasin ang kalamangan ng Globalport MisOr mula sa mahigpit na depensa nang limitahan lang sa 11-puntos sa last quarter at gawin ang 30-10 blast para sa 1-puntos na kalamangan sa 85-86 sa nalalabing 37 segundo.


May pagkakataon pa ang MisOr na makuha ang panalo, ngunit isa na namang turnover ang nakamit ni Joel Lee Yu at na-foul si Monte. Parehong namintis ni Monte ang dalawang free throws, ngunit isinalpak ni Jaymar Gimpayan ang isang follow-up shot upang kumpletuhin ang come-back game win.


Kumana ng double-double ang Visayas Leg MVP na si Gimpayan sa 23-points.


“Kailangan talaga namin manalo kase importante yung laban na ito para mag-No.1 kami.


Talagang tyinaga namin kase first half tinambakan kami. Sabi ni coach wag kaming sumuko at dumepensa lang ng maayos at makukuha natin yung panalo,” wika ni Gimpayan, na bahagyang nanibago sa kanyang bagong koponan matapos ang stint sa Visayas team na MJAS Zenith Talisay City Aquastars. “Nung una kase hirap akong mag-adjust kase bagong teammates na naman, pinatunayan ko lang yung MVP ko sa Visayas leg, binalik ko ulit, ayon nakuha ko naman,” dagdag ni Gimpayan.


Samantala, muling sasabak ang Roxas Vanguards laban sa hometown favorite na Pagadian Explorers ng 4 p.m, habang susundan ng Globalport Z Valientes MisOr sa main event match-up kontra sa nangungunang koponan na Zamboanga Sibugay Anak Mindanao Warriors ng 6:30 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page