top of page
Pokwang.jpg

ROXANNE, IKINASAL NA, MUKHA NG MISTER, AYAW IPAKITA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 27, 2020




Ginulat ni Roxanne Barcelo ang publiko dahil ikinasal na siya nang hindi man lang nabalitaang may boyfriend siya dahil base sa huling panayam namin sa kanya noong nakaraang taon sa pocket interview ng iWant original na Fluid kasama si Ann Colis ay single siya at wala pang planong magka-boyfriend.


Pero nitong Marso, nabanggit niyang may idine-date siya. 'Yun nga lang, hindi niya pinangalanan at wala ring mukha ang guy.


Ang kuwento niya sa kanyang Hear Me Out 12 updates sa YouTube channel na in-upload niya nitong Disyembre 25 ay engaged na siya at ikinasal na rin.

“I got engaged. My partner asked me to marry him. And he said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked me twice.


“He asked me for the first time a few months after quarantine. Pero since naka-lockdown pa noon, all we knew was we were going to get married before the year ends.


“Totoo pala ‘yung ‘When you know, you know.’ I knew from the start na siya ‘yung para sa akin,” kuwento ng aktres na hindi pa rin ipinakikilala kung sino ang napangasawa niya dahil pati ang wedding picture nila ay nakatalikod ang hubby niya.


“He is worth the wait, and so am I,” sambit pa ni Roxanne.


Ikinuwento rin niyang botong-boto ang nanay niya sa asawa niya dahil na-test nito ang sincerity ng guy nu’ng bumaha sa lugar kung saan nakatira ang ina dahil sa Bagyong Ulysses.


“Pinuntahan ng partner ko si Nanay at binuhat siya at hindi nadaplisan ng tubig o baha at diretso siya sa jetski na sumundo. Kaya love na love ni nanay ang partner ko at doon ko nakita na kapag ‘yung partner mo, gusto ng parents mo, iba ‘yung flow, iba ‘yung saya ng buhay. I’m so happy that my partner is on another level of understanding with my nanay. Kasi si Nanay, parang love na love siya,” say ni Roxanne.


Samantala, piling-pili muna ang mga projects na tatanggapin ni Roxanne dahil plano na niyang magbuntis dahil gusto na nilang magkaanak ng asawa niya at ito rin ang dahilan kung bakit hindi muna siya pumirma ng kontrata sa manager na nag-alok sa kanya para i-manage siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page