Roque, umalis sa pagiging human right lawyer para maging spox ng human right violator
- BULGAR
- Nov 14, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 14, 2021
PAGKATALO TALAGA ANG AABUTIN NI ROQUE KASI HINDI NAMAN ENGOT ANG MGA REPRESENTANTE NG MGA BANSA SA MUNDO PARA ILUKLOK SIYA SA ILC—Lahat ng bansa sa mundo ay nagbibigay ng kanilang nominado para mahalal bilang kasapi ng 34-members ng United Nations (UN)-International Law Commission (ILC), at ang ginawang pambato ng Pilipinas ay si Presidential spokesman Harry Roque, kaya lang nang magbotohan na, pagkatalo ang inabot ni Roque, siya ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa 195 bansa sa daigdig.
Dahil d’yan, lulugu-lugong ibinalita ni Roque sa Pilipinas na ibinasura ng mayoryang bansa sa mundo ang kandidatura niya for ILC member.
Sa totoo lang, wala talagang panalo si Roque riyan kasi hindi naman engot ang mga representante ng mga bansa sa UN para ihalal na maging kasapi ng ILC ang spokesman ng presidenteng human rights violator sa ‘Pinas, period!
◘◘◘
ROQUE, KATATALO LANG SA ELEKSIYON SA ILC, GUSTO MAKATIKIM NA NAMAN NG TALO SA HALALANG 2022—Sabi ni Roque, kapag for president ang kinandidatuhan ni Mayor Sara Duterte-Carpio ay tatakbo siya for senator.
Hay naku, kagagaling lang ni Roque sa talo sa eleksiyon sa ILC, tapos gusto na namang makatikim ng talo sa halalang 2022.
Malabo siyang manalo sa pagka-senador dahil boto lang ng mga health workers na kanyang madalas i-bully sa panahon ng pandemya, tiyak na zero vote ang aabutin niya, boom!
◘◘◘
MARAMING NABANAS KAY ROQUE KASI DATI SIYANG HUMAN RIGHTS LAWYER NA NAGING SPOKESMAN NG HUMAN RIGHTS VIOLATOR—Sa totoo lang, walang panalo sa halalang 2022 si Roque kasi maraming nabanas sa kanya mula nang talikuran niya pagiging human rights lawyer para maging spokesman ng pangulo na human rights violator.
Bukod d’yan, napakarami pang malalakas na kandidato ngayon for senator, kaya imposible talagang magkaroon ng katuparan ang pangarao niyang maging senador, period!
◘◘◘
WALANG PANALO SI ROQUE KAY GEN. ELEAZAR—Matapos mabalitang tatakbong senador si ret. PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, marami ang nagsipag-like at love react sa social media na ibig sabihin, suportado ng netizens ang laban niya for senator, pero nang sabihin ni Roque na tatakbo siyang senador, ang reactions ng netizens ay “haha” at “angry”, na ibig sabihin ay ayaw ng publiko na maging senador siya.
Ang nais nating ipunto, ang dami na ngang malalakas na kandidato for senator, tapos nadagdag pa si Gen. Eleazar kaya’t lalong lumabo ang tsansa ni Roque sa halalang 2022, boom!





Comments