top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Roque, may basbas ni P-Digong at ng China na magdakdak?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 20, 2021



HUWAG SANANG KAPALIT NG PAGDEPENSA NI ENRILE KAY P-DUTERTE SA ISYU NG WEST PH SEA NA MAABSUWELTO ITO SA PLUNDER CASE AT MAKALAYA PA SI GIGI REYES—Inimbitahan ni P-Duterte sa Malacañang si ex-Sen. Juan Ponce Enrile at pinagsalita patungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), at sa statement ng dating senador, ipinagtanggol nito ang pangulo na tama ang pakikipagkaibigan nito sa China, pinalabas na palpak na backdoor channel negotiatior si ex-Sen. Antonio Trillanes, at pinayuhan ang pangulo na dedmahin na lang mga bumabatikos sa kanya sa West PH Sea.


Huwag sana na ang kapalit ng pagtatanggol ni Enrile sa pangulo ay maabuswelto ito sa plunder case at makalaya pa sa kulungan ang chief of staff nitong si Gigi Reyes na sangkot din sa pork barrel scam.


Bago inimbitahan ni P-Duterte si Enrile sa Malacañang ay noong March 25, 2021 ay humirit ito sa korte na idismis na ang kaso niyang plunder, at noong Jan. 17, 2021 ay may hirit din sa korte si Gigi Reyes na palayain na siya sa kulungan, boom!


◘◘◘


NATUWA YATA SI P-DUTERTE AT ANG CHINA KAY ROQUE KAYA BINIGYAN ITO NG BASBAS NA MAGDADAKDAK SA ISYU NG WEST PH SEA—Kabilang si Presidential spokesman Harry Roque sa binigyan ng pahintulot ni P-Duterte na magsalita tungkol sa isyu ng West PH Sea.


Siguro, natuwa si P-Duterte at ang China sa sinabi noon ni Roque na hindi sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef kaya bukod kay DFA Sec. Teodoro "Teddyboy" Locsin ay binigyan na rin ng basbas ng pangulo ang presidential spokesman na magdadakdak tungkol sa isyu ng West PH Sea, boom!


◘◘◘


TAMA ANG GRUPO NG MGA RET. GENERALS NA KATUNGKULAN NI P-DUTERTE NA IPAGTANGGOL ANG PILIPINAS SA MGA MAPANAKOP NA BANSA—Nanawagan ang grupo ng mga retiradong heneral ng AFP (Armed Forces of the Philippines), sa pamumuno ni ret. AFP Gen. Edilberto Adan na depensahan nito ang Pilipinas mula sa patuloy na pananakop ng China sa mga teritoryo ng bansa sa West PH Sea.


Ipinaalala ng grupo ni ret. Gen. Adan kay P-Duterte na nakasaad sa Konstitusyon na bilang commander-in-chief ay katungkulan ng pangulo na ipaglaban ang soberanya at ipagtanggol ang mga teritoryo ng Pilipinas sa mga nanakop na ibang bansa, period!


◘◘◘


MGA MANGINGISDANG PINOY, PINAGBAWALAN NA NG CHINA NA MANGISDA SA DAGAT NG PILIPINAS—Nagpalabas ng kautusang fishing ban sa South China Sea mga dayuhang mangingisda ang Chinese gov't., at ang masaklap, kasama o saklaw sa kautusang ito ang West PH Sea na inaangkin ng China.


‘Yan ang malungkot na katotohanan, na ang mga mangingisdang Pinoy ay tuluyan nang pinagbabawalan ng China na mangisda sa dagat ng Pilipinas, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page