top of page
Pokwang.jpg

Roque, ‘inuunggoy’ ang mga Pinoy sa efficacy ng Sinovac, hmmm…

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 23, 2021



SA DAMI NG MGA MANUFACURER NG BAKUNA, MADE IN CHINA ANG NAPILI NG DUTERTE GOV’T. NA IPANTUROK SA MGA PINOY—Inaprub na ng FDA (Foods and Drugs Administration) na iturok sa mga Pilipino ang bakunang gawang China na Sinovac.


Hay naku, sa dinami-rami ng mga bansang manufacturer ng mga bakuna, eh, ang bakunang made in China ang talagang ipinilit ng Duterte gov’t. na ipanturok sa mga Pinoy, pwe!


◘◘◘


SINOVAC, MAHINANG KLASE?—Dahil 50.4% efficacy lang ang taglay na panlaban sa COVID-19 ng Sinovac, hindi ito inirerekomenda ni FDA Director General Eric Domingo na ipambakuna ito sa mga health workers. Aniya, kahit nabakunahan na sila ay puwede pa rin silang madale ng virus.


Sa tema ng pananalita ni Domingo, parang sinabi na rin niyang mahinang klase ang bakunang Sinovac, boom!


◘◘◘


BILYUN-BILYON ANG INUTANG NA PAMBILI NG BAKUNA, TAPOS ANG BIBILHIN MADE IN CHINA?—Mabuti pa si Domingo, hindi inirerekomenda na gamitin ng mga health workers ang Sinovac, pero ang Malacañang, kahit 50.4% lang ang efficacy ng bakunang ‘yan ay made in China vaccine pa rin ang gustung-gustong ipanturok sa mga Pilipino.


Kainis, mantakin ninyo, bilyun-bilyon ang inutang ng Duterte gov’t. na pambili ng bakuna, at taumbayan naman ang magbabayad ng inutang na ‘yan, tapos mahinang klaseng bakuna ang bibilhin para ipanturok sa mga Pilipino, buwisit!


◘◘◘


MGA PINOY, ‘INUUNGGOY’ NI ROQUE SA EFFICACY NG SINOVAC—Sabi ni Presidential spokesman Harry Roque ay katanggap-tanggap ang 50.4% efficacy ng Sinovac dahil sinumang maturukan niyan ay hindi na magkaka-virus at maliligtas pa sa kamatayan.


Hay naku, ipinahiwatig na nga ni Domingo ni mahinang klase ang bakunang ‘yan, tapos “inuunggoy” pa ni Roque ang publiko na epektibo raw ang Sinovac na gawang China, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page