Roque, ibinuking na suportado ni P-Digong ang pagtakbo ni Mayor Sara
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 01, 2021
KUNG LAHAT NG TANGGAPAN NG GOBYERNO AY KATULAD NG OVP, WALA SANANG KORUP—Minarkahan na naman ng Commission on Audit (COA) ng highest audit rating ang Office of the Vice-President (OVP), na ibig sabihin, lahat ng pondo ng bayan na nasa tanggapan ni Vice-Pres. Leni Robredo ay nagastos ng tama.
Kung ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay katulad ng OVP, na minamarkahan ng COA na highest audit rating, ang ganda sana ng buhay ng mga Pinoy at maunlad na sana ng Pilipinas kasi indikasyon ‘yan na walang “buwaya” na lumulustay sa kaban ng bayan, period!
◘◘◘
COA, BAKA NATAKOT, SINERYOSO ANG “JOKE” NI P-DUTERTE KAYA ANDAP SURIIN ANG INTEL FUNDS NG PANGULO?—Kung walang sakit ng ulo ang COA sa pagsusuri sa pondong nasa OVP, stress naman sila sa intelligence fund ni P-Duterte dahil sa pagdinig sa Senado noong September 16, 2020 ay sinabi mismo ni COA Chairman Michael Aguinaldo na helpless silang ma-audit ito dahil ayaw ibigay sa kanila ng OP (Office of the President) ang mga pinagkagastusan ng P-Duterte intel funds.
Baka naman kaya hindi pinupursige ng COA na suriin ang P-Duterte intelligence fund ay dahil natakot sila at sineryoso ang joke ni P-Duterte noong January 8, 2019 na ipapa-kidnap at ipapa-torture niya mga taga-COA na masyadong makuwestiyon sa pagsusuri sa mga pondo na nasa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, boom!
◘◘◘
IBINUKING NI ROQUE NA GUSTO PALA NI P-DUTERTE NA PATAKBUHING PANGULO ANG KANYANG ANAK—Sa kadaldalan ni Presidential spokesman Harry Roque ay nasabi nito sa media na nais ni P-Duterte na si presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio ang maging manok ng PDP-Laban sa 2022 presidential election.
Dahil dito, lumalabas na nagsisinungaling pala sa taumbayan si P-Duterte sa kanyang madalas sabihin na ayaw niyang pakandidatuhing pangulo ang kanyang anak kasi ibinuking na siya ni Roque na pinapa-plantsa na niya sa PDP-Laban na si Mayor Sara ang gawing standard bearer ng kanilang partido, period!
◘◘◘
HAMUNIN LANG NI PACQUAO SI P-DUTERTE NA SABAY SILANG MAGLABAS NG SALN, BAKA TUMIKLOP ANG PANGULO—Nagkakainitan sina P-Duterte at Sen. Manny Pacquiao kasi sabi ng senador ay talamak ang korupsiyon sa Duterte gov’t. at ang hamon naman ng pangulo kay Pacman ay patunayan ito, na ang hamon ay tinanggap naman ng boksingerong senador.
Kung nais ni Pacquiao na manalo siya sa bangayan nila ni P-Duterte ay subukan niyang hamunin ito na sabay silang maglabas ng kanilang SALN (Statement of Assets and Liabilities and Networth) sa publiko at kapag nagawa niya ‘yan, baka riyan na tumiklop ang pangulo kasi sa hindi malamang dahilan ay ayaw ng pangulo na ipakita sa mamamayan ang laman ng kanyang SALN, boom!





Comments