Roque, ‘di sure na teritoryo ng ‘Pinas ang WPS?!
- BULGAR
- May 26, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 26, 2021
PAGKAKAALAM YATA NI ROQUE AY HINDI PAG-AARI NG ‘PINAS ANG WEST PH SEA KAYA IBINIDA NIYANG WALA PANG SINAKOP ANG CHINA NA TERITORYO NG BANSA—Ibinida ni Presidential spokesman Harry Roque na sa panahon ni P-Duterte ay walang teritoryo ng Pilipinas ang sinakop ng China.
Buong mundo na ang nakakaalam na ayaw umalis ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS), pero si Roque parang hindi ito alam kaya’t nasabi niyang wala pang teritoryo ng ‘Pinas ang sinakop ng China.
O, baka naman ang pagkakaalam niya ay hindi sa Pilipinas, kundi pag-aari talaga ng China ang West PH Sea? Boom!
◘◘◘
BAKA MASIBAK SI P/COL. RONALD GAYO KASI PARANG KABUTENG NAGSULPUTAN ANG MGA KUBRADOR NG JUETENG SA PANGASINAN—Parang kabuteng nagsulputan ang mga kubrador ng jueteng nina “Chito” at “Fajardo” sa Pangasinan.
Aba, dapat ipa-“tokhang” agad ni Pangasinan Provincial Director, P/Col. Ronald Gayo ang mga kubrador, pati ang mga gambling lords na sina “Chito” at “Fajardo” kasi kung dededmahin lang niya ang raket ng mga ito ay baka sibakin siya ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, boom!





Comments