Roque at Lacson, todo-todo ang tarayan

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 18, 2021
DAHIL MAY DUTERTE-DUTERTE NA, DAPAT MAGPOKUS NA SI BONGBONG MARCOS SA LABAN NIYA SA 2022 ELECTION—Ngayong dinismis na ng Supreme Court (SC) na umaaktong PET (Presidential Electoral Tribunal) ang election protest ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos laban kay Vice-Pres. Leni Robredo, ang dapat niyang gawin ay pagtuunan ng pansin ang 2022 elections, lalo na’t tila initsapuwera na siya ng kampo ni P-Duterte dahil reject na ang panawagan ng kanilang mga tagasuporta na Bongbong Marcos-Sara Duterte o Sara Duterte-Bongbong Marcos 2022.
Ang isinusulong ngayon ng grupo ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay Duterte-Duterte, boom!
◘◘◘
TARAYANG ROQUE VS. LACSON, ABANGAN!—Tinarayan ni Roque si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa sinabi nitong dapat magbasa ng Konstitusyon si P-Duterte para malamang kasali ang Senado sa anumang treaty o kasunduang pinapasok ng Philippine gov’t. sa ibang bansa, dahil ayon sa presidential spokesman, bukod sa nagbabasa ng Saligang-Batas ang pangulo, pumasa pa raw ito sa bar exam kaya naging abogado.
Nakupo, dahil kilalang taklesa rin si Lacson, asahan nang magkakatarayan nang todo-todo ang presidential spokesman at senador, abangan!
◘◘◘
CHINA ANG DAPAT SINGILIN NI P-DUTERTE, HINDI AMERIKA—Hindi Amerika ang dapat singilin ni P-Duterte (sa VFA o Visiting Forces Agreement), kundi ang China.
Ayon kay dating DFA (Dept. of Foreign Affairs) Sec. Albert del Rosario, bukod sa sinira na ng China ang kalikasan ng Pilipinas, sinakop pa nito ang mga isla sa West Philippine Sea (WPS) at pinagbabawalan pang mangisda sa dagat ng ating bansa ang mga mangingisdang Pinoy, period!





Comments